Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy: Hindi ko iiwan si Mar

080115 PNoy Mar Roxas

MALINAW ang mensahe ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino para sa nalalapit na eleksyon: “Hindi ko iiwan si Mar.”

Ito ang pahayag ni PNoy sa kanyang talumpati kahapon sa tinawag na “Gathering of Friends” na ginanap sa Cebu kamakailan.

Tila reaksyon ito ni PNoy sa ibang kampong umaasa pa sa suporta nito pagdating ng halalan. Binalikan ni PNoy at ng kanyang gabinete ang mga naging bunga ng ‘Daang Matuwid’ sa Cebu at ang naging suporta ng mga Cebuano sa administrasyon.

“Kayo nga pong mga Cebuano ang kumupkop sa aking ina noong simula ng EDSA. Talaga naman pong panatag ang loob ko noon,” pagbabalik-tanaw ni PNoy.

Hinimok ni PNoy na suportahan ng mga Cebuano si Mar Roxas na pambato ng kanyang administrasyon dahil “kailangan nating ipagpatuloy ang pagbubuklod tungo sa malawakang kaunlaran.”

Nakikitang malaki ang maagiging epekto ng suporta ni PNoy kay Roxas lalo’t mukhang lalabas ito para mangampanya.

Ayon sa mga political analyst, malaking bagay ang suporta ng isang Pangulong mataas pa rin ang rating sa mga survey para sa isang kakandidato. Napatunayan na ito noong 2013 kung saan nakuha ng Team PNOY ang marami sa mga posisyon sa Senado.

“We are fighting the good fight,” sabi ni Roxas. “The future is not something that just happens. Ang magandang kinabukasan hindi basta-bastang dumarating na lang,” diin ni Roxas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …