USAP-USAPAN ang post ni Valerie Concepcion sa kanyang Instagram account (v_concepcion)—ang pagtungo niya sa US of A.
Ginawa ni Val ang post noong Agosto 20, na nagpapakita ng kanyang passport at ng business class ticket patu-ngong USA. Kasama rin ang kanyang earings na genuine London blue topaz danglers na siyang birth stone raw niya.
Sinabi pa nitong, ”I’m a Happy Girl!” kasama ang mga hashtag na #birthdaymonth #sagittarius #december #bluetopaz #birthstone, #diamonds #jewelrywithmeaning at iba pa.
Nabibigyan lang ng kakaibang kahulugan ang pagtungo ni Valerie sa Amerika dahil nagkataong naroon din ang umano’y sinasabing boyfriend niyang si Bureau of Immigration Commissioner Siegfred Mison.
Nauna raw nagtungo si Mison sa America na sinasa-bing mayroong business meeting doon.
Subalit marami ang nagtatanong na hindi kaya posibleng ang pagsunod ni Valerie sa America ay nangangahulugan ng pagpapakasal ng dalawa?
Well, ‘yan po ang ating aabangan sa mga susunod na pagpo-post nila sa Instagram.