Monday , December 23 2024

DENR Wildlife inutil?

pamanaWHAT the fact?!

Halos 90 porsiyento ng pinalalayang Philippine Eagle ng Philippine Eagle Center (PEC) sa kagubatan pinapatay daw ng mga walang pusong hunter.

‘Yan mismo ang ginawang kompirmasyon ng isang Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation matapos mabuyangyang sa buong bansa na ang inaalagaan nating si Pamana ay binaril sa Davao Oriental.

Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day.

batay sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang dibdib. Nabasag din ang scapula nito.

Wala pang tukoy na suspek kung sino ang bumaril kay Pamana, na mahaharap umano sa kasong paglabag sa Wildflife Act of 2002.

Dinala na ang labi ni Pamana sa Philippine Eagle Center (PEC) sa Malagos, Davao.

At ayon nga kay Salvador, 90% ng mga pinalayang Philippine Eagle ay napapatay.

Pinaiigting na raw ang campaign at public education para sa campers upang mas mahigpit na maipatupad ang batas na nagpoprotekta sa wildlife species.

Pinalaya si Pamana sa virgin forest ng Mt. Hamihuitan, isang UNESCO Heritage Site, noong Hunyo.

Ito’y makaraan siyang dalhin sa PEC mula nang matagpuan sa Mt. Gabunan Range sa Iligan City noong 2012.

Kung ganyan pala ang  nagiging kalagayan ng mga Philippine Eagle natin, e ano palang ginagawa ng Department of Natural Resources and Environment (DENR) sa wildlife forest natin?

By the way, mayroon ba talagang nakatalagang tao ang DENR sa wildlife forest natin?

O baka naman wala dahil walang kita?!

O baka naman wala dahil nakatuon lahat sa ‘mining’ at pagbabantay sa mga dalampasigan na pwedeng ibenta sa mga pribadong indibiwal o real estate companies?!

Aba, kung hindi tayo nagkakamali, malaki ang inilalaang budget ng DENR sa mga endangered species pagkatapos magwawakas lang  sa pamamaslang ng kung sino-sinong iresponsable sa kagubatan?!

Mayroon pa ba talagang silbi ang DENR?

Pakisagot na nga Secretary Ramon Paje?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *