Friday , November 22 2024

Hustisya para sa mga Tayabasin tuluyan na bang ibinasura ng Sandiganbayan 4th division?

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG tuluyan nang ‘itinago sa baul’ ng Sandiganbayan 4th Division ang matagal nang pinakaaasam-asam na ‘katarungan’ ng mga Tayabasin sa pamamagitan ng pagsuspendi sa kanilang punong lungsod na si Mayor Dondi Silang.

Noong Enero (2015) pa raw inaasahan ng mga Tayabasin na masususpendi ang kanilang punong lungsod dahil sandamakmak na asunto ang kinakaharap sa Sandiganbayan, pero Agosto (2015) na, namamayagpag pa rin at mukhang naghahanda na para sa 2016 elections si Mayor Dondi.

Aba ‘e kahit sinong staff raw ang tanungin sa 4th Division ng Sandiganbayan ‘e parang walang nakaaalam kung nasaan na ang mga papel?

Kaya ngayon daw ‘e tigas ang pagmamalaki ng kampo nina Mayor Dondi na walang darating na suspension order!?

Magkano ‘este’ ano kaya ang dahilan at madalas umanong ipinagmamalaki ni Mayor Dondi na hindi na lalabas ang suspension order laban sa kanya?!

Naniniwala ang mga Tayabasin na malaki ang ‘ginastos’ para hindi na maipatupad ang  suspension order ngayong taon.

Kapag nangyari ‘yan, safe na safe na si Mayor Dondi dahil pagpasok ng 2016 ay tiyak na ipatutupad na ang election ban kaya magkakaroon ng status quo sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Sabi nga ng mga Tayabasin, talagang mailap ang hustisya sa kanila. Tuloy ang hirap at panggigipit sa publiko.

Pero sa kampo raw ng kanilang Mayor, tuloy ang ligaya at at issue ng kurakot.

Isang halimbawa na umano riyan ang tanggapan nina Market Administration Veronica Naynes Garcia at Business Permit and Licensing Office (BPLO) head Nilo Cabuyao.

Nagsimula na umanong mang-harass ng mga establishment na gustong paalisin sa kanilang puwesto ni Mayor Dondi.

Kaya ang nangyari, marami umanong inalisang puwesto ang nakatiwangwang ngayon. Wala pa raw kasing approved budget.

Mukhang eksperto lang daw sa pangha-harass kaya nga bigong-bigo ang mga Tayabasin hangga’t hindi naibababa ang preventive suspension order ng Supreme Court mismo!

Tuluyan na nga raw nabalewala ‘yung sinabi ng Supreme Court na mandatory preventive suspension, para hindi maimpluwensiyahan ang kaso at hindi maperhuwisyo ang mga dokumento.

Tsk tsk tsk…

Paihi kings ng Bataan namamayagpag na naman!

Nagbukas na naman ang paihi King ng Bataan na si alias DANNY BLADE-BASI ng Barangay Culis, Hermosa, Bataan.

Ganoon din umano ang paihi ng isang alyas KRIS BELASKO sa Limay, Bataan.

Ipinagmamalaki umano ng dalawa na protektado sila ng isang alias DYES MANAPAT at BER RAGANIT.

At ‘yang sina DYES at BER ay putok na putok naman na tong-pats sa mga club sa Olongapo at Bataan.

Lagareng-lagare, may paihi na, may putahan-tongpats pa!

Sonabagan!!!

Naresolba na ba ang sunod-sunod na kaso ng patayan sa Olongapo at Bataan, PRO 3 OIC chief, C/Supt. Ronald Santos?!

O busy ang bata mo riyan sa Olongapo at Bataan sa kahihintay sa mga parating nina BER at DYES?!

Kilos-kilos kapag may time naman, Kernel Santos kahit OIC ka pa lang!                                   

Kanino tumama ang malaking “hematoma” sa Bureau of Immigration?

Hindi pa rin tumitigil ang alingasngas tungkol sa nangyaring operation o mass arrest  ng Bureau of Immigration sa isang call center sa Star Cruise malapit sa Resorts World.

Isang malaking HEMATOMA (bukol) daw ang inabot ng bright boy proponent ng nasabing operation!?

Anak ng tokwa!

Siya na nga ang nagtanim, nagbayo at nagsaing pero iba naman ang kumain?

Galit na galit at umuusok daw ang tumbong nitong si  Immigration Commissioner Fred ‘pabebe’ Mison, dahil hindi raw yata siya kombinsido sa mga ginawang reports para i-justify ang mga pinakawalang Tsekwa kaya ilang opisyal daw sa nasabing operation ay nasabon to the maxx!?

What the fact!?

May mga usap-usapan din at may ilang naka-witness na nagkaroon pa yata ng “Max Chicken Delivery” diyan mismo sa BI main office ginawa at inialay sa 3 Kings na sina “Melchor, Gaspar at Baltazar.”

Sarap to the bone naman!

Ang kaso mukha yatang hindi nakatikim ng ini-deliver na ‘Manok’ ang isang  contractual employee na “Kernel corn” kaya parang batang nagngangangawa kay Miswa ‘este’ Mison.

Well, ngayon natin masusubukan kung walang pinapaboran si Comm. Fred ‘valerie’ Mison!

Aabangan natin kung patas ang inisyu niyang personnel order patungong Southern most part ng Pinas para sa mga empleyadong sumasablay!

Korek ba, Atty. Norman ‘libanan’ Tancinco!?

Agahan sana ang announcement na walang pasok

KA JERRY, sana naman kung magdedeklara si Erap na walang pasok ‘e sa gabi pa lang i-announce na. Kung kailan nasa eskwela na mga bata saka siya magdedeklara na suspendido ang klase. Puyat ba o may hangover si Mayor?                                                                                  

+63912688 – – – –

Attention: PCSO Chairman Ayong Maliksi!

GOOD am po ka Jerry Yap nabasa q po ‘yung kolum n’yo sa internet na tumulong kayo sa humingi ng tulong PCSO po. Apat na  buwan n po ‘yun guaranty letter q pero ‘di pa lumabas ‘yung check sa hospital bill. Arnel Ignacio ng Bulacan

#+639216953399

Bagong Lupin sa Plaza Avelino PCP

KA JERRY gusto ko lng ipaalam  na may bagong Lupin ngayon d2 s Plaza Avelino PCP sa katauhan ni SPO2 Caurel. Ang lupit magnakaw at mangotong sa tulad kong tricycle driver kahit daw kanino kmi magsumbong wala raw kame mapapala dahil sagot daw cya ng kumander niya sa Avelino

#+639998407 – – – –

SPO2 Caurel, mabigat ang paratang sa ‘yo ng mga tricycle driver. Hihintayin ko ang paliwanag mo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *