Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnel, gusto nang kalimutan si Ken Psalmer

052315 Arnell Ignacio Ken El Psalmer

CONTROVERSIAL ngayon ang host/comedian na si Arnell Ignacio dahil na rin sa mga naging paratang sa kanya ng ex dyowa na si Ken Psalmer ukol sa kanilang hiwalayan.

Tsika ni Arnell nang makausap namin sa Keri Beks Congress na ginanap sa Araneta Coliseum, walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ni Ken.

“Hindi totoo na nasasakal siya sa relasyon naming dahil lagi namang may choice siya. Like if gusto niyang umuwi, makakauwi siya sa kanila, paanong nasasakal siya?”

Ayaw na raw sanang magsalita ni Arnell pero ‘di raw nito ma-take ang kasinungalingan at paninira sa kanya ng dating live-in boyfriend. Pinilit daw nitong ayusin pa ang kanilang relasyon pero sobra na raw si Ken at hindi na niya ma-take pa.

Sa ngayon daw ay tini-text siya nito at gusto magpaliwanag pero ayaw na nitong pansinin bagkus ay gusto na lang niyang maka-move on at kalimutan na ang naging karelasyon.

SMAC 1st Social Media Artist and TV Awards, dinagsa ng social media artists

UMULAN ng mga sikat sa social media ang 1st Glamour Night ng SMAC Social Media Artist and Celebrity Awards 2015 na ginanap kamakailan sa Eurotel North Edsa, Quezon City.

Hatid ng SMAC at sa pakikipagtulungan ng Royqueen,Olive C, New Placenta, Showbiz Sosyal, Eurotel, at Unisilvertime, naging maningning ang SMAC 1st Social Media Artist and TV Awards sa pagdalo nina Teejay Marquez na itinanghal na Dubsmash King; Michelle Liggayu, Social Media Ultimate Loveteam at Social Media Icon; UPGRADE, Outstanding Boygroup in Social Media and TV (na nagbigay ng isang  N Sync Medley production number), Yexel Sebastian, Outstanding Social Media Actor/Director; MJ Cayabyab, Social Media Prince; Pabebe Girls, Breakthrough Artist in Social Media.

Hindi nakadalo ang Eat Bulaga co-host na si Maine Mendoza aka Yaya Dub na binigyan ng Dubsmash Queen at si Rogean Delos Reyes na kalahok sa Starstruck.

Present naman at tinanggap ang kanilang award ang Pabebe Mamon, Level Up, Greco Gonzalo, Shiners, Cyber, Chelica, Byron Anasco, Hype 5ive, at Team Horror. Samantalang itinanghal namang Social Media Star of the Night sina Angelica Feliciano at Mj Cayabyab.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …