Saturday , November 23 2024

Si Apo Marcos pa rin ang may kasalanan? (Sa malaking utang ng PH)

00 Bulabugin jerry yap jsyNANG sisihin ang Palasyo sa alegasyon na lalong nalulubog sa pagkakautang ang Filipinas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, umalma si Budget Secretary Butch Abad.

Sabi niya, kung tutuusin daw nababawasan na ang pagkakautang ng bansa sa ilalim ng pamahalaang Aquino.

At ang malaking porsiyento raw ng utang ng bansa ay minana pa sa rehimeng Marcos.

Ay sus!

Ilang dekada na bang hindi na presidente si Marcos?

Magtatatlong dekada nang hindi presidente si Marcos. Si Marcos pa rin ang nasisisi sa pagkalaki-laking utang ng bansa.

Ipinagmalaki rin ni Abad na mula sa 20 porsiyentong interest payment sa kabuuang budget ng bansa ay naging 14 porsiyento na lang daw ito.

‘E dapat nga, noon pa tayo nagdeklara ng debt moratorium, Secretary Abad, para naman makaahon tayo sa kahirapan. 

Sa totoo lang, bilang isang mahusay na social democrats, alam na alam mo na palliatives lang o patsi-patsi ang mga programa ninyo sa poverty alleviation gaya ng CCT o 4Ps programa ninyo.

Bilyones ang pondo riyan, Secretary Abad, pero subukan mo kayang mag-ikot gabi-gabi sa buong Metro Manila at iba pang metropolitan area sa ibang probinsiya sa bansa, ewan ko lang kung hindi madurog ang puso mo kapag nakita mo ang mga kababayan nating natutulog sa mga bangketa.

‘Yung iba nga sa napakakitid na gutter isinisiksik ang mga yayat na katawan maipahinga lang sa maghapong pagkakabilad sa init ng araw.

Kung epektibo ang 4Ps ng gobyerno, bakit mayroon pa rin tayong mga kababayan na walang tahanan at walang matulugan?!

Bakit marami pa ring kabataan ang hindi nakapag-aaral?!

Ang daming maysakit na hindi nakakita ng ospital bago mapugto ang kanilang mga hininga.

Marami pa rin tayong mga kababayan na namumuhay sa kadiliman dahil wala pa rin  koryente sa kanilang lugar.

Marami pa ring baryo ang walang paaralan at ang kalsada ay hindi madaanan ng sasakyan.

Sabi n’yo nga, ‘di hamak na malayo ang kalagayan ngayon ng mga Pinoy kaysa noon.

Malayong-layo talaga Secretary Abad.

Noon mayroon pang iba’t ibang industriya sa bansa, ngayon ang kawan ng mga manggagawa sa bansa ay nasa service industry.

Ito na ang larawan, na tayo’y bansa ng mga alipin, sa sariling bansa man o sa labas ng bansa.

Secretary Abad, ‘yan ang mga katotohanan na hindi dapat isisi lang kay Marcos…

Kayo na ang nasa administrasyon ngayon. Kaya hindi na dapat isisi kung kani-kanino ang tunay na kalagayan ng bansa.

Hindi kayo inilagay diyan para maging BOY SISI.

Kung paninisi lang sa mga nakaraang admi-nistrasyon ang gagawin ninyo, palagay ng inyong lingkod ‘e dapat na ninyong ipasa ang bola ng pamamahala sa mga lider na buo ang loob para iahon sa pagkakalugmok ang ating bansa.

‘Yun lang.

Pa-epal at OA sa lipunan

TAMA ka riyan Ka Jerry ang mga ganyang kalaseng tao na paepal at OA ay mga asungot sa lipunan, mahilig magpapapel e PSG lng nman cya at wla nang katungkulan. Sana ireklamo nyo po at bgyan ng leksyon. Ruben po ng QC#+63920212- – – –

Nadale ng fixer sa LTO Tayuman?

GOOD pm po sir Jerry Yap ng Bulabugin  Hataw, ako si Mr. Anastacio  C.  Mena Jr., home add Malate Manila sir. Last June 2015, pumunta po ako sa  isang barnach office ng Land Transportation Office LTO Tayuman Manila pra mag apply po sir ng non professional driver’s license sa marshaling, sabi po sir Jerry my tao na lumapit sa akin at sinabi na my kilala cia loob ng office pra madali at cegurado ang exam kailangan q mag bgay ng P2,500 pisos, kaso ang resulta bagsak dhil ung cheff examiner po sir hndi yta natembrehan 2time po ako nag-take masyadong tlamak po khit tma ang sgot mo sa question, kng wla tembre sa chef ex bagsak kpa rin, ano ba tlga ang kalakaran sa Tayuman LTO secretary maawa nman kau sa taong byan plz  safe my cell# thanks and god bless u always mabuhay ang Hataw #+63932613 – – – –

Kotong checkpoint sa Baclaran PCP (Attn: C/Supt. Andrade)

MAGANDANG umaga sir Jerry gsto ko po iparating e2 sa nyo. Nangyari d2 sa kaibigan  ko nung 25 Jul 2015 at sla po ay pauwi na sakay ng kanilang motor d2  s Baclaran na-checkpoint  cla, mga pulis at sila ay dinala sa presinto ng Baclaran at ang ikinakaso sa kanila ay direct assault  at sinabi ng mga pulis na no bail dw e2 at nung nasa presinto na cla pinagsusuntok ng 2 pulis at yung isa my sugat pa at pantal2 ang katawan. Pagkatpos dinala cla sa hospital at pina-medical  at pinag-thumak n cla na katunayang wlang nangyari sa kanila dhil wla sla  alam sa batas at pagkatapos iknulong cla ng almost 6hrs at hini-ngan ng P5,000. E2 po sir ‘yung identity ng pulis na sumuntok at humingi ng pera  PO2 Ramos  ng Baclaran PNP stn. Bka pwed nyong ipanawagan sa pinuno nla dahil  kawawa ang mga nabiktima at ignorante sa batas. Salamat, mabuhay  po kau sir #+63939351 – – – –

Bakit inom at sugal lang? Pati droga dapat ipagbawal

Gandang pm po, me komento po ako sa ipinagbabawal na pagsusugal at nakahubad na nasa labas ng haws at pg-iinom, bkit mga sangkaterbang adik  di n’ya masawata samantalang cla ang mas mapanganib nagtatanong lng po salamat po #+63926947 – – – –

Malungkot ang nangyayari sa INC

Mahirap paniwalaan ang INC, mga kapatid at ina ang nagbulgar ng katiwalian. Kawawa naman ang ang mga miembro na mahirap nag- ipon ng pang-ikapu kinuha lang ng mga matatakaw, ibili na lang tuyo ng mga dukhang miembro ipinagpasarap lng #+63932568 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *