Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LT, mas abala sa farm kaysa lalaki

080415 lorna tolentino
MISTERLESS Misis! And consider her one! ‘Yun ang sinabi ni Lorna Tolentino sa mga naka-tsikang press para sa bago niyang sasalangang show sa TV5 na ang titulo nga eh,  Misterless Misis.

Kasi nga, sa kabila ng katotohanang may nga nagpapahiwatig at nagpaparamdam ng mga interes, wala pa rin palang dating kay LT ‘yung muli na namang mapasok sa isang relasyon.

“I am a farmer. Doon ako naglalagi ‘pag walang work sa farm namin ng mga partner ko. At naaaliw kami ‘pag may mga harvest na. Na tama lang naman para sa mga friend. Mayriin ding kaunnting kita. ‘Yung place rin pinaparentahan namin sa mga gustong magbakasyon. Kaya hindi talaga ako makikita. And bukod sa dalawang boys ko na mga men na (Rap and Renz), nae-enjoy kong maging lola sa apo kong si Tori.”

Tila magiging mahirap talaga for LT na makakita ng papalit sa kanyang si Daboy (Rudy Fernandez) na makakasama sa buhay.

“Sanay pa rin ako na parang nandiyan pa rin siya. Lalo na when I need to make major decisions in life. Siya pa rin ang kinakausap ko and nakukuha ko naman ‘yung guidance from him. Like sa papers or documents halimbawa. Nagugulat na lang ako na naihanda na pala niya ang mga ‘yun dati pa. That was how organized he was. Sa mga trabaho niya, videos, pictures pati writeups, naayos niya para sa aming iniwan niya.”

How close sa kanyang role ang pagiging “misterless” misis niya in real life?

“Sa punto’ng ‘yun lang. Na walang mister. Kasi si Jenny, career-oriented woman who is single at jaded na when it comes to love. At saka matatawa ka sa mga character namin dito nina Gelli (de Belen), Ruffa  (Gutierrez), Ritz (Azul), pati si tita Mitch (Valdez) and ‘yung introducing sa show na si Andie Gomez. Para ring pelikula ang ginagawa namin under direk Mark Meily. Comedy pero kilometric ang  lines. Pero masaya.”

Mula sa mga pagda-drama, magpapatawa si LT at ang mga kasama tuwing Linggo, 9:00 p.m.. simula sa August 9, 2015.

Think Desperate Housewives with a dash of Sex in the City sa weekly sitcom which will highlight the modern-day lives of today’s Filipinas!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …