Monday , December 23 2024

DSWD burial assistance tinatiyani pabor sa eksklusibong punerarya!?

dswd funeral assistanceDAHIL sa pagpabor sa iilan, hindi na tumatanggap ng “Guarantee Letter” mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang mga punerarya sa Metro Manila sa dahilang wala raw pondo lalo na ‘yung mga ipinagkakaloob sa mga kapos-palad nating mga kababayan.

Ito po ang nais ipaabot ng ilang may-ari ng punerarya sa DSWD.

Take note, sikwatary ‘este Secretary Dinky Soliman

Kung nabayaran man umano ang ilang punerarya, inabot muna nang siyam-siyam bago sila nakasingil.

Matindi na po ang reklamong ‘yan ng ilang may-ari ng punerarya sa Metro Manila.

Kung nakukunsumi ang mga may-ari ng punerarya, nagtataka naman ang ilang mambabatas kung bakit natatagalang magbayad ang DSWD sa mga puneraryang nagbibigay ng serbisyo sa pagbuburol at pagpapalibing sa kanilang constituents gayong ang laki ng nakalaang pondo para rito.

Hindi rin malinaw kung bakit o anong nangyayari sa pondong pambayad sa mga punerarya!

Kung panay ang reklamo ng ibang punerarya, mayroon naman daw isang punerarya na hindi kumikibo.

Sa pagtatanong-tanong ng BULABUGIN sa hanay ng ilang taong konektado sa industriyang  ito, nabatid  natin na may hinala ang ilang may-ari ng punerarya na mayroong isang punerarya na pinapaboran umano ng DSWD.

Take note uli, DSWD sikwatary ‘este’ Secretary Dinky Soliman!

Gaya na lang ng karanasan na naikuwento sa atin. Itinuro umano sila sa KADAMAY. (Hindi klaro kung ano itong KADAMAY, organisasyon ba ito o punerarya?)

Kung idadaan ang request sa KADAMAY para sa funeral services assistance aba’y ma-tulin pa umano sa alas-kuwatro ang pagbibigay ng serbisyo.

‘Yun daw kasi ang awtorisado ng DSWD.

Aba, linawin na agad ‘yan!

‘E kung ang KADAMAY ang kinikilala ng mga punerarya, ano pa ang silbi ng DSWD?!

Ang tanong nga ‘e, magkano ba ang naka-earmark para sa pagpapalibing na nakalagak sa DSWD? Ito ba ay nagamit na ng mga Congressman?

Kung hindi man nagamit ‘e saan napunta?

Sec. Soliman, may exclusive punerarya na ba ang DSWD!?

Pakisagot na nga po, Secretary Dinky!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *