Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Langgam at sigaw sa dream

00 PanaginipEllo sir Señor,

S pnaginip ko ay may mga langgam tpos daw ay may sumisigaw, d ko sure kng ako, pro nagttka nman ako d namn ako nttkot, pki interpret amn po, wait ko po ito, wag nio na lang papablis cp # ko tnx po. Gelay

To Gelay,

Ang langgam sa panaginip ay may kaugnayan sa general dissatisfaction sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ikaw ay nakadarama na napapabayaan ka na at walang halaga o kabuluhan lalo na sa mga taong malapit ka at mahahalaga sa iyo. Nagpapahiwatig din ito na kahit ang mga maliliit na bagay ay nakaka-irita sa iyo. Kailangan kang maging mapagkumbaba, mahinahon, cooperative, at hindi padalos-dalos sa iyong mga desisyon dahil ito ang tanging mga paraan upang makamit ang iyong mga inaasam o minimithi. Ang panaginip mo ay maaari rin namang isang metaphor sa nadaramang pagiging antsy o restless. Ang langgam ay simbolo rin ng hard work, diligence at industry. Posibleng may kaugnayan din ito sa increase business activities. Sa hindi kagandahang side naman nito, ang langgam ay simbolo ng social conformity at mass action. Kaya maaaring ang pakiramdam mo ay de kahon at sobrang maayos na animo robot ka na at nakababagot ang iyong buhay. Ayon sa Bibliya, ang mga langgam ay simbolo ng diligence concerning the things of God. Kahit na maliit ang mga ito, ang mga langgam ay nagle-lays up ng substance sa panahon ng kasaganahan.

Kapag nanaginip na ikaw ay sumisigaw, ito ay sumisimbolo sa anger at/o fear. Ikaw ay nagpapahayag ng malakas na emosyon na matagal mo nang kinukuyom. Kung habang sumisigaw ka ay walang lumalabas na boses o tunog, nagpapakita ito ng iyong sense of helplessness at frustration sa ilang sitwasyon kahit na ano pa ang gawin mo upang mapukaw ang atensiyon ng mga taong hangad mong hingan ng tulong. Ang ganitong panaginip ay nagha-highlight ng iyong hirap na makipag-communicate sa mga taong ito. Kailangan mong alamin o kilalanin ang iyong damdamin at takot at harapin ito sa reyalidad. Alternatively, maaari rin namang ang iyong kawalan ng kakayahan na makasigaw ay isang paraan ng REM (Rapid Eye Movement) paralysis.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …