Monday , December 23 2024

Overacting na presidential security guard sa SONA ni PNoy

SONA 2015MUKHANG may pagkukulang sa protocol ang isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na itinalaga sa Batasan Complex nitong nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III.

Kung hindi tayo nagkakamali, itinatalaga ang mga PSG sa mga ganyang okasyon para mapangalagaan ang seguridad ng Pangulo.

Hindi para maging praning o maging overacting gaya ng naging kilos at aksiyon ni Petty Officer 3rd Class RUDY RAMOS na itinaboy ang mga reporter kabilang na ang aming reporter na si Jethro Sinocruz.

Trabaho ng mga reporter na kunin ang reaction ng mga mambabatas kada SONA ng ating Pangulo.

Pero hindi umubra si PSG Ramos dahil pumalag ang aming reporter at sinundan pa ng ibang kagawad ng media sa House.

Nagtataka ang taga-media kung bakit ganoon na lang ang paghihigpit na ginagawa sa kanila gayong suot naman nila ang issued media ID para sa SONA.

Naging matindi tuloy ang pagtatalo hanggang iutos pa ni Ramos na ‘bantayan’ maigi ang aming reporter na parang ina-isolate sa nasabing okasyon.

Ang matindi pa kay Ramos, nag-utos at nagsalita na parang diyos-diyosan, bawal daw mag-interview sa mga Congressman.

Anak ka ng TUNGAW, PSG Ramos, seguridad ang trabaho mo hindi ang MAKIALAM o MAGDIKTA sa trabaho ng mga taga-MEDIA!

Anong personalidad mo PSG Ramos para pakialaman ang trabaho ng mga taga-media?!

At lalong wala kang karapatang i-single-out ang reporter ng HATAW o pagbawalang mag-interview ang mga reporter.

Mainaw na curtailing of press freedom ‘yan, PSG Ramos!

Mabuti na lamang at pumagitna ang staff ng Congress na si Mr. Roger De Mesa.

Kaya medyo nahimasmasan at natauhan yata si PSG Ramos.

Gusto lang natin linawin PSG Ramos, lumugar ka sa dapat mong lugaran!              

‘Wag kang OA, EPAL at PRANING sa mga ‘boss’ mo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *