Sunday , December 22 2024

Poor na VP may P630M SALN

0727 FRONTBUKOD sa pangangampanya, walang tigil ang mga banat ng kampo ni Vice President Jojo  Binay sa kanyang mga makakalaban sa eleksyon sa 2016.

Sinabi ni UNA interim president at Navotas Rep. Toby Tiangco, hindi dapat iboto ang mga elitista sa puwesto dahil baka malalaking negosyante lamang ang paboran nila.

“It is important for a candidate not to be elitist, to be a person who brings effective management and heart for the poor, and someone who does not alienate marginalized sectors.”

Ibinida niya ang sinasabing mahirap na pamilya ni VP Binay at ang pang-aapi raw ng administrayong Aquino sa kanila.

Maraming naniniwalang patutsada ito ni Tiangco sa personal na pambato ni Presidente Noynoy Aquino na si DILG Secretary Mar Roxas, pagkatapos tumanggi ang Pangulo na iendorso si Binay. Hindi pa man kasi nagdedeklara ng kandidatura si Roxas ay tumaas na ang mga rating sa lahat ng survey kamakailan.

 Tahimik pa si Roxas sa kanyang mga plano habang ipinagpapatuloy ang kanyang trabaho bilang kalihim ng DILG.

Tinawanan naman ni UP professor Solita Monsod ang mga palabas na mahirap at inaapi daw si VP Binay.

Sa kanyang column, ibinigay ni Monsod ang kanyang sagot: “If the readers will recall, Binay is the first vice president who was given—at his request, mind you—an official residence: the Coconut Palace. Initial outlay was P50 million, and there were subsequent requests, which were also approved. Is that inaapi?” aniya sa kolum.

Idinetalye din ni Monsod na binigyan pa ng posisyon sa Gabinete ni PNoy si Binay kahit hindi kapartido. Ilang political analyst ang nagsabing dahil sa posisyong ito ay nagawa ni Binay na makaikot para mangampanya sa loob ng halos limang taon.

Mismong ang anak ni VP Binay na si Makati Representative Abby Binay ang umaming: “Hindi naman kami poor” nang tanungin tungkol sa mga sinasabing tago nilang yaman at ari-arian. “Meron ho kaming farm dati sa Batangas… we had a piggery farm called JCB Farms,” kuwento ni cong-woman Binay.

Inamin din ng nakababatang Binay na tinatayang nasa P630.88 milyong piso ang kayamanan ng kanyang ama’t ina, na sinasabing kinita nila sa loob ng 27 taon habang nasa gobyerno.

Napilitang sumagot ang pamilya Binay dahil sa sunod-sunod na alegasyon tungkol sa mga sinasabing maanomalyang transakyon na kinasasangkutan nila at ng kanilang mga dummy.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sina Gerry Limlingan at Ebeng Baloloy na pinaghihinalaang mga dummy ng pamilya Binay upang humarap sa mga hearing sa Senado.

Sinabi ni Senador Antonio Trillanes, magkakaroon ulit ng isa pang pagdinig ang Senate Blue Ribbon Sub-Committee sa Setyembre.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *