Sunday , December 22 2024

LRTA party inuna bago ayusin ang problema?

MAS inuna nga ba ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagdaraos ng costume party sa kabila ng mga problema na kinakaharap ng mga pasahero sa kakulangan ng serbisyo?

 Sa memoramdum ni LRTA Administrator Honorito Chaneco sa mga opisyal at empleyado ay nakasaad na ang kasuotan ng dadalo ay kailangang inspirado ng 1920s. Ang hindi makasusunod ay hindi papapasukin sa Manila Grand Opera Hotel na pinagdausan ng party noong Hulyo 10.

Nagpahayag ang militanteng grupong Bayan na nagpa-party ang LRTA na may temang “Roaring Twenties” samantala ang mga pasahero nila ay nagtitiis sa mahahabang pila at tumutulong bubong kapag umuulan.

Ang kopya ng naturang memo ay kasama sa liham na ipinadala umano sa Bayan ng mga nag-aalalang empleyado ng LRTA na nagbunyag sa ginawa ng kanilang pamunuan.

“Wala silang pakialam sa problema ng mga tren, pasahero, hitsura at kondisyon ng mga estasyon ng LRT, at marami pang iba,” ayon sa liham.

Ayon sa tagapagsalita ng LRTA na si Hernando Cabrera ay karapat-dapat ang temang “Roaring Twenties” dahil ika-35 anibersayo ng LRTA ang ipinagdiwang.

Gayunman ay minabuti raw ng ibang empleyado na huwag na lang dumalo sa kasiyahan kaysa gumasta nang libo sa costume na isusuot.

Ayon pa sa liham ay kapansin-pansing tinutukan ng administrasyon ng LRTA ang mga detalye sa pagbubuo ng party, pero hindi sila ganito kametikuloso sa preparasyon ng kanilang mga tren.

Kahit maraming pera na puwedeng gastahin, ang pagpapakita ng magarbong selebrasyon sa panahong may krisis na dapat lutasin ay hindi maganda sa paningin nino man.

Kung simpleng salo-salo na walang gastos sa kasuotan ang dadalo, ang lahat ay makapupunta at makapagsasaya. Ang problemang kinakaharap ay puwedeng pag-usapan sa okasyon at ang solusyon na ginawa rito.

Hindi ba mas maganda kung ganito at malamang, walang sasama ang loob, papalag o maghihimutok sa mga empleyado?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *