Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya ni Edgar Allan, boto kay Maxene

 

SECOND chance! Nabalitaan pa lang sa social media ang pagsasama at pagtatambal ng tinutukan sa Your Face Sounds Familiar na sina Maxene Magalona at Edgar Allan Guzman kilig na agad at excitement ang reaksiyon ng mga nag-aabang na sa sasalangan nilang episode sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa Sabado (Hulyo 18, 2015) sa Kapamilya, 8:30 p.m..

Ang cute rin naman kasi ng mga sinalangan nilang eksena bilang magkasintahan ang roles nila bilang sina Tess at Joey na nakatakdang magpakasal pero natuklasan ni Tess na nagkaroon ng babae ang kanyang kasintahan.

Kaya ang tanong ay kung hinarap ba ni Tess ang sakot ng kanyang loob o naayos pa rin ba ang kanilang pagsasama?

Nausisa ko nga si Maxx tungkol sa inisip ng mga tao noon na nanligaw sa kanya si EA.

“Hahaha hindi po siya nanligaw sa akin! EA and I are just friends and we are very comfortable working with each other. Magkaibigan lang kami and we can talk to each other about anything. Masaya rin katrabaho si EA kasi nakakatawa siya at saka napakahusay na actor. Inspired ako sa pagiging hardworking niya na tao. ‘Yun lang po.

“Maganda ‘yung istorya ng ‘MMK’ namin. Tungkol sa magnobyo na dumaan sa mga pagsubok. Our episode also commemorates the 25th anniversary of the infamous earthquake sa Hotel Nevada in Baguio.”

Kinalampag ko na rin si EA.

“Wala po akong time for love ngayon. Work at career ang priority ko kaya maganda at kasama ko sa work ang taong crush ko noon pa man. Ang alam ko po boto talaga kay Maxene ang pamilya ko talaga. Pero friends lang po talaga kami.

“This ‘MMK’ is significant kasi this is the first time ever na nag-work together kami in an acting project kaya bigay todo, bigay kilig sila rito. Maski kami kinilig sa ginawa namin.

“Long time friends and lovers kami na nagkahiwalay. Siya nasa Baguio and then something happened. ‘Yun ang cliffhanger…”

Joining EMax in this episode are Ricardo Cepeda, Rochelle Barrameda, Pinky Amador, Ronalisa Cheng, Maggie dela Riva, Deydey Amansec, Roxanne Barcelo,Lui Villaruz and AJ Muhlach. Mula sa iskrip ni Mark Duane Angos at direksiyon ni Frasco Mortiz.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …