Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bembol Roco, beki?

Isang gay role ang gagampanang muli ng batikang aktor na si Bembol Roco sa darating na episode ng Karelasyon.

Makakasama niya rito ang nagbabalik-tambalang sina Alden Richards at Louise de los Reyes.

Iikot ang istorya sa buhay ng binatang si Adrian (Alden) na may ambisyong maging parte ng makulay na mundo nang showbiz. Naniniwala siyang sa pag-aartista ay sisikat na siya, marami ka pa siyang kikitaing pera. At nang makilala niya ang talent scout at manager na si Warren (Bembol), tila naging mas abot-kamay ang pangarap niyang ito.

Lahat ng suporta sa magiging showbiz career at pinansyal na pangangailangan ay handang ibigay ni Warren para kay Adrian. Subalit sa anong kapalit?

Masasagot ito sa pagdating ng babaeng si Veronica (Louise) sa pagitan nilang dalawa.

Hanggang saan lang ba dapat ang maging papel ni Warren sa buhay ni Adrian? Sagabal nga ang pagkakaron ng pag-ibig sa ambisyon ng isang nais mag-artista?

Tampok sina Alden Richards, Louise delos Reyes at Bembol Roco, sa panulat ni Jerome Zamora at direk- syon ni Adolf Alix, Jr., ilalahad ang mainit na kwentong ito ni Carla Abellana sa Karelasyon. Ngayong Sabado na, July 18, 2:30pm pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …