Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

22-anyos tinurbo ng doktor

KULONG ang isang doktor makaraan ireklamo ng panggagahasa sa isang  22-anyos estudyanteng lalaki at pana-nakot na ilalabas ang nauna nilang sex video, ayon sa ulat ng Caloocan City Police kahapon.

Kinilala ang suspek na si Jose Norilito  Fruto, 50, isang doktor, residente sa Maya St., Am-paro Road, Novaville Deparo ng nasabing lungsod, nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police.

Salaysay ng biktimang kinilalang si Kim Joel Tan, 22-anyos, Electrical Engineering student, noong Hulyo 4, inimbitahan siya ng suspek sa kanyang  bahay  dahil  bibigyan siya ng regalo sa nakalipas niyang birthday.

Ngunit humantong aniya sa ‘anal sex’ ang pagkikita nilang ‘yun sa bahay ng suspek hanggang nitong nakalipas na Hulyo 12, dakong 6 p.m. nang makita siya ng suspek ay muli siyang niyaya at sinabing buburahin ang kanilang sex video.

Napilitan ang biktima na sumama sa loob ng bahay ng suspek dahil kung hindi ay ikakalat aniya ang kanilang sex video.

Sa puntong iyon ay muli siyang tinangkang gahasain ng suspek ngunit pumalag ang biktima at nagsumbong sa kanyang mga magulang na nagresulta sa pagkakadakip sa nasabing doktor.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …