Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante, lover pinatay, sinilaban

ILOILO CITY – Kapwa patay at sunog ang katawan nang matagpuan ang isang negosyante at ang kinakasama niyang babae sa loob ng calibration shop sa Brgy. Tagbak, Jaro, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang si Jose Daliva, 52, may-ari ng JD calibration shop, at ang kinakasamang si Jolen Alvaran Lara, isang call center agent.

Ayon kay Fire Supt. Jerry Candido, halos tupok na ang katawan ng mga biktima nang kanilang madatnan.

Ngunit sa pag-usisa, hindi ang pagkakasunog ang dahilan ng pagkamatay ng mga mga biktima.

Ang bangkay ng lalaki ay nakitang nakabalot sa plastic at may laslas ang leeg habang nasa ilalim ng kanyang sasakyan.

Habang ang babae ay may naiwan pang kutsilyo na nakasaksak sa dibdib.

Naniniwala si Candido na pinatay muna ang mga biktima at pagkatapos ay sinunog ang calibration shop bilang diversionary tactics.

Sa ngayon, blanko pa ang mga awtoridad kung sino ang suspek at kung ano ang motibo ng krimen.

Ang lalaki ay tatlong taon nang hiwalay sa kanyang misis at sinasabing maayos ang relasyon sa kanyang pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …