Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, sumabak na rin sa pelikula via Tibak

 

070615 Marion Aunor

00 Alam mo na NonieBUKOD sa pag-kanta, isa na ring aktres ngayon si Marion Aunor. Bahagi siya ng latest movie ni Direk Arlyn dela Cruz titled Tibak.

Kasama rito ni Marion sina Jak Roberto, Jill Palencia, Julio Diaz, Kristoffer King, Kiko Matos, Chanel Latorre, Mon Confiado, Liza Diño, Jao Mapa, Chase dela Vega, at iba pa.

Ayon sa dalaga ni Ms. Maribel Aunor, nag- enjoy daw siya sa paggawa ng pelikula. “Hindi ko po ini-expect na mag-e-enjoy ako sa acting. But I did, I’m looking forward to the next shooting dates!” saad sa amin ni Marion.

Ano ang role niya sa pelikulang ito? Kinabahan ba siya sa unang pagsabak niya sa acting?

“Isa po akong beauty queen turned NPA sa film na ‘to. Set in the 60s ‘yung movie.

“Hindi naman po ako kinabahan, dahil comfortable po akong makatrabaho sina Direk Arlyn, Tita Corie, and the rest of the crew. And gusto po kasi ni Direk, natural lang ‘yung pag-acting kaya ‘di naman po nakaka-pressure.

“The more authentic, the better para raw sa kanya. Gusto ko po ‘yung approach niya sa pag-direct ng movie since natural acting nga lang and interesting din po ‘yung napili niyang story for the movie.

“I also like the fact na young kaming mga actors sa movie. I feel like through this film, makaka-raise talaga siya ng awareness sa youth regarding the issues na kasama sa story.”

Ayon pa kay Marion, since napasok na rin siya sa pag-arte, sakaling may offer daw siya sa TV ay okay sa kanya.

“Open naman po ako sa idea na ‘yun. Basta kung may opportunity, then why not?”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …