Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

DeeTour concert ni Enchong, sold-out

 

070515 enchong dee detour 2

00 fact sheet reggeeSOLD-OUT pala ang DeeTour concert ni Enchong Dee kaya pala wala ng maibigay na tickets sa mga gustong manood sa unang gabi ng palabas nito noong isang gabi, Hulyo 3 sa Music Museum.

Tuwang-tuwa ang aktor dahil successful ang kanyang unang project na siya mismo ang nag-produce at ililibot daw niya ito sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.

Marunong humawak ng kinikita niya si Enchong sa tulong ng magulang kaya inumpisahan na niyang mag-produce ng shows niya.

Samantala, mapapanood ngayong Linggo si Enchong sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ay ibubunyag ni Chairman Tan (Richard Yap) na si Diego (Enchong) ang magiging susunod na Kung Fu Chinito kaya sasailalim ang aktor sa isang pagsasanay upang matutuhan niya kung paano gamitin ang kapangyarihan na ipagkakaloob sa kanya.

Tatanggapin ba ni Diego ang responsibilidad ng isang tagapagligtas kung ang kahulugan nito ay malalagay sa panganib ang buhay niya?

Matututuhan niya kaya na gamitin sa wasto ang kapangyarihan na ipapasa sa kanya ni Chairman Tan? Kasama rin nina Richard Yap at Enchong sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo at direksyon ni Erick Salud.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …