Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi magbabalik-showbiz na, pahinga muna sa politika

 

HATAWAN – Ed de Leon . /

063015 vilma santos

MAY nagpadala sa amin ng video ng mga sinabi ni Governor Vilma Santos, pati na ng kanyang pakikipagtalakayan sa mga OFW sa Italya. Maliwanag hanggang doon ang sinasabi ni Ate Vi, gusto na muna niyang magpahinga sa politika. Pinaninindigan din niyang hindi totoo na inaalok siyang tumakbo bilang vice president o senador, at wala pa talaga siyang plano.

Nang tanungin naman siya kung sino ang inaakala niyang presidentiable na matimbang sa kanya, hindi rin siya nagbigay ng kahit na anong comment, at sinabing masyadong malayo pa ang eleksiyon para pag-usapan iyon. Wala rin siyang comment nang tanungin siya kahit na tungkol kay Grace Poe.

Isang bagay ang nakikita naming maliwanag diyan, talagang desidido na si Ate Vi na magbalik-showbiz. Kung pag-aaralan mo naman kasing mabuti, mas malaki pa rin ang kikitain niya bilang isang aktres kaysa kinikita ng isang vice president ng Pilipinas. Siya na nga rin ang nagsasabi, siyam na taon siyang mayor. Siyam na taon siyang gobernador. Pero iyong kinita niya sa 18 taon, wala pa sa limang taong kinita ng anak niyang si Luis Manzano.

Isa pa, mahaba pa ang panahon niya para sa politika, at maganda naman kasi ang kanyang record. Pero bilang isang leading lady, sabihin na nating nakikipaghabulan na siya sa panahon, dahil hindi naman maikakaila na nagkaka-edad na rin siya. Sayang iyong napakaraming pagkakataon na nakakalampas sa kanya. Isa pa, ang iniaalok naman sa kanya ay iyong mga totoong pelikula, hindi naman siya iyong lalabas lang sa mga indie na hindi naipalalabas sa mga sinehan at barya-barya lang ang kita.

Nakumbinsi nga lang iyan ng mga taga-Batangas eh, at saka noon ang naisip niya, pagbabayad na rin iyan ng utang na loob sa publiko, iyong makapaglingkod siya nang tapat. Pero ngayon, alam naman niya marami siyang fans na sumuporta sa kanya simula pa noong una na masisiyahan kung magbabalik-showbiz na nga siya. Kung kami ang tatanungin, iyon naman ang dapat.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …