Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina Magdayao litaw na litaw ang pagiging aktres sa top-rating Primetime Bida teleserye na “Nathaniel”

 

VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma . 

041815 nathaniel gerald shaina

PAGDATING sa pag-arte, parehong may ibubuga ang mag-sister na Vina Morales at Shaina Magdayao na parehong napanonood ngayon araw-araw sa magkaibang teleserye ng ABS-CBN.

Si Vina ay bumibida sa afternoon series na Nasaan Ka Nang Kai-langan Kita, samantalang si Shaina naman ay isa sa lead star ng top-rating Kapamilya primetime teleserye na “Nathaniel” na pinagbibidahan ni Marco Masa.

Nasa 34.5% na ang kasalukuyang rating ng Nathaniel, at ito ay base sa latest survey ng Kantar Media: National Ra-tings. Samantala puring-puri ang lahat ng mga artistang nagsisiganap sa nasabing inspirational drama serye at isa na nga rito si Shaina na gumaganap na nanay Rachel ni Nathaniel.

Sa husay ng aktres, sa serye ay ramdam mo talaga na nabibigyan niya ng hustisya ang kanyang role na hanggang ngayon ay nanabik sa anak nila ni Paul Laxamana (Gerald Anderson) na si Nathaniel na guardian angel na ng mga taong nalalagay sa kapahamakan. Malapit nang malaman ni Nathaniel na sina Rachel at Paul ang kanyang mga magulang. Ano kaya ang gagawin ng batang anghel kapag nalaman na niya ang buong katotohanan.

At paano naman tatangapin ng dating mag-asawa na si Nathaniel ang namatay nilang anak sa car accident. Paano kapag bumalik na si Nathaniel sa langit, matanggap kaya ito ng kanyang Nanay Rachel. At ano rin kaya ang magi-ging reaction ni AVL (Coney Reyes-Mumar) kapag nalaman niya na apo pala niya ang anak-anakang anghel ng pulis na si Abner Bartolome (Benjie Paras) na aksidenteng napatay ng tauhan niya.

Nahaharap ngayon sa malaking pagsubok si AVL dahil sa pagkadiskubre na anak pala niya ang batang muhing-muhi sa kanya na si Hannah (Sharlene San Pedro). Hanggang kailan itatago ni AVL ang sikretong ito at matanggap naman kaya siya ni Hannah sakaling i-reveal na niya sa ampon ng mag-asawang Abner at Beth Bartolome (Pokwang) na siya ang ina nito?

Subaybayan ang kasagutan at iba pang kaabang-abang na mga episode sa Nathaniel, na napanonood gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime bida ng Kapamilya network pagkatapos ng TV Patrol.

GAGANAP NA BEA BIANCA NA PANGGULO SA LOVE TEAM NG KATHNIEL SA “PANGAKO SA‘YO” NAHANAP NA

False alarm na ang daughter ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernandez na naka-published ngayon sa Wikipedia ng teleseryeng “Pangako Sa‘Yo” ang gaganap na Bea Bianca na unang ginampanan ni Vanessa del Bianco sa orihinal na PSY.

Last Friday ay ibinalita na sa TV Patrol at naka-post na rin sa social media na si Sarah Carlos, ang newco-mer sa showbiz at accounting student ng San Beda ang masuwerteng napili ng director ng pinagbibida-hang primetime teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na si Direk Olive Lamasan.

Yes among 200 auditioners ay si Sarah ang pumasa sa panlasa ni Direk Olive at ng mga kasamahang director sa Pangako Sa‘Yo na sina Rory B. Quintos, Dado C. Lumibao at box office TV and movie director na si Cathy Garcia-Molina.

Deserving naman daw talaga ang baguhang artista sa role na gagampanan dahil bukod sa maganda at nakaaarte ay nakahanda rin daw sa maaaring gawing pangba-bash sa kanya ng KathNiel fans lalo na’y siya ang makaka-love triangle nina Kath at DJ sa nasabing serye na patuloy sa pag-akyat ang ratings.

Samantala abangan din sa trending series na ito, dahil magbabalik na ang character ni Amor Powers (Jodi Sta. Maria), ano-ano ang gaga-wing hakbang ni Amor, para makapaghiganti sa mag-asawang Claudia (Angelica Panganiban) at Eduardo Buenavista (Ian Veneracion). Siyempre kaabang-abang rin para sa KathNiel fans ang magiging relasyon nina Angelo (Daniel) at Yna (Kathryn) na susubukin dahil sa away ng kanilang pamilya.

Umeere ang Pangako Sa‘Yo weeknights sa ABS-CBN after Nathaniel.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …