Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni Aquino, mala-prinsesa kung ituring ng TV5

ni ROLDAN CASTRO . 

070115 toni aquino

MALA-PRINSESA ang pagpapahalaga ng TV5 sa anak ni Eat Bulaga Dabarkads Ruby Rodriguez na si Toni Aquino.

Sa episode ng Happy Truck Ng Bayan noong Linggo, na ginanap sa Marikina High School, pinalibutan ng mga nagguguwapuhang Kapatid kilig stars na sina Mark Neumann, Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Martin Escudero, at Alwyn Uytingco si Toni sa kanyang bonggang Twerk It Like Miley birthday dance number.

‘Di napigilan ni Toni ang maluha nang awitan na siya ng mga HAPPYPEEPS sa pangunguna ni Gelli de Belen.

Ani Toni, damang-dama niya raw ang pagmamahal ng mga Kapatid niya sa TV5, lalo na ang mga HAPPYPEEPS ng Happy Truck Ng Bayan.

Binati rin ng maligayang kaarawan ng Happy Truck Ng Bayan ang kanilang guest co-host na si Ruffa Gutierrez. Nakasabay ni Ruffa sa pakiki-fiesta ang Showbiz Konek Na Konek host at Mac & Chiz star na si Bianca King. Parehong ikinuwento ng dalawa sa kani-kanilang mga social media accounts ang masayang experience nila sa lingguhang fiesta na hatid ng Happy Network.

Magkakaroon ng ikalawang season ang daily showbiz program ni Bianca samantalang magkakaroon naman ng comedy sitcom si Ruffa sa TV5.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …