Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jiro Manio, tulala at pakalat-kalat daw sa NAIA

 

070115 Jiro Manio

NAKALULUNGKOT ang balitang nakaabot sa amin kung totoo nga ukol sa magaling na actor na si Jiro Manio.

Ayon sa post sa Facebook ng kapatid daw ng actor na si Jennifer Dyan Manio Enaje, umalis daw noong Sabado ng gabi si Jiro at hindi na bumalik.

Ani Jennifer, nalaman na lamang nilang pagala-gala umano ang actor sa NAIA na tulala at malungkot.

Paniwala ni Jennifer, dumaraan sa matinding depresiyon ang kapatid dahil sa mga problema. Madalas daw na hindi nila makausap ng maayos si Jiro at lagi pa itong galit. Hindi naman daw nila maipagamot ang actor dahil kapos din sila sap era.

Kaya naman humihingi ng tulong si Jennifer gayundin ang ama ni Jiro na matulungan silang maipagamot ang actor habang hindi pa ganoon kalala ang kalagayan nito.

At kung sino man daw po ang makakakita kay Jiro (na hanggang ngayon ay ‘di pa umuuwi simula noong Sabado) ipagbigay alam po lamang sa numerong 09154774148 o tulungan dalhin sa ABS-CBN.

Ayon naman sa aming kolumnistang si Rommel Placente, tinawagan din daw siya ng ama ni Jiro para ipagbigay-alam ang nangyayari sa aktor.

Kung ating matatandaan, umani ng papuri si Jiro sa pelikulang Magnifico subalit hindi na nasundan pa. Hanggang sa malulong ito sa ipinagbabawal na gamot at hindi na nabigyan ng project.

Ayon sa isang malapit sa actor, “Dati siyang nasa pangangalaga ng Star Magic, pero binitiwan siya kasi hindi siya sumisipot sa mga taping. Sayang nga binigyan siya ng pagkakataon ng Kapamilya pero hindi niya pinahalagahan.”

May mga kaibigan din kaming madalas nakakakita sa actor na nakatambay lamang ito at walang ginagawa. Sana’y may tumulong kay Jiro para maipagamot dahil sayang din ang talento nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …