Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel Padilla may maling hinala kay Kathryn at amang si Ian sa hit na hit na seryeng “Pangako Sa‘yo” (Gaganap na Bea Bianca nahanap na)

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma . 

0612615 kathniel ian veneracion

GABI-GABI, hindi lang trending sa social media ang mga eksena napapanood ng televiewers sa Pinas at TFC kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa “Pangako Sa’Yo,” kundi pataas nang pataas rin ang kanilang ratings.

Kasi ubod nang ganda naman talaga ang remake ng serye at pawang mahuhusay ang mga kasamang artista rito. Ito na yata ang show ng ABS-CBN na matatawag na star-studded talaga sa dami ng bilang ng cast.

Sa latest episode ng nasabing Philippine romantic series ay nabubuhay ngayon si Angelo (Daniel Padilla) sa kanyang maling akala kay Yna (Kathryn Bernardo) at sa amang si Governor Eduardo Buenavista (Ian Veneracion). Nasa utak ng binata na si Yna ang kinalolokohang babae ng kanyang Daddy dahil nang sundan niya si Yna ay nakita niyang kasama ni Eduardo. Ang hindi niya alam, sinamahan ng dalaga dahil may problemang kinahaharap ngayon sa pamilya lalo na sa misis na si Claudia (Angelica Panganiban) na madalas nagwawala sa galit dahil akala niya ay nambabae talaga si Eduardo at tapos na ang political career ng mister.

Puro galit na lang ang nasa utak ngayon ni Claudia at nagiging makasarili siya, pati na si Angelo ay nadadamay sa mga pinagagawa niya. Ano naman kaya ang magiging reaksiyon ni Angelo kapag nalaman niya ang totoo na concern lang si Yna sa kaniyang daddy at tumatanaw lang ng utang na loob sa lahat ng mga kabaitan at tulong ng gobernador sa kanya.

Samantala abangan ninyo ang nalalapit na paglabas ng character ni Bianca na gagampanan ng dating Kapuso young actress na si Lexi Fernandez na magiging panggulo o ka-love triangle ng KathNiel. Dating ginampanan ng retired actress na si Vanessa del Bianco ang nasabing character na umagaw ng eksena noon sa relas-yon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales ang mga orihinal na Yna at Angelo sa PSY.

Napapanood ang Pangako Sa‘Yo sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Nathaniel. Part na rin pala ang box office director at expert sa romantic serye na si Cathy Garcia-Molina sa mga director ng PSY na kinabibilangan rin nina Olive Lamasan, Rory B. Quintos at Dado C. Lumibao.

Hayup sa casting gyud!

EAT BULAGA HUMAHATAW NA RIN SA SOCIAL MEDIA, LIKERS UMABOT NA SA MAHIGIT 7 MILLION

Bukod sa kanilang daily televiewers at milyon na ring supporters sa Eat Bulaga Mobile na 24/7 ay pwedeng mapanoood ang hindi na-watch na mga episode ng no.1 and most awarded longest-running noontime variety show.

Ganoon din ang mga throwback at latest photos ng mga paboritong EB Dabarkads sa pama-magitan na makikita sa pamamagitan ng kanilang App kaya magpa-register na agad. Pagdating sa social media ay ‘di na rin pahuhuli ang Bulaga na in-na-in sa kanilang mga social media accounts tulad ng Twitter-@Eat Bulaga, Instagram-@eatbulaga1979 at Facebook Official Fan Page-Facebook.com/EBDabarkads kung saan umabot o humahamig na ang programa ng mahigit 7 million likers mula sa iba’t ibang bansa.

Still counting pa dahil parami nang parami ang kanilang followers sa FB na lahat ng mga bagong segment sa show at mga pangalan ng kanilang winners sa kanilang Pakontes ay inyong makikita sa nasabing site. Kaya’t patuloy ninyo silang i-follow ganoon na rin ang daily morning talk show ni Aleng Maliit Ryzza Mae na “The Ryzza Mae Show” na pwede ninyong sundan sa kanyang official Facebook Fan Page na Facebook.com/TheRyzzaMaeShow, at sa Instagram naman sa https:/instagram./the ryzzamaeshow.

Hundred thousands na rin ang likers ni Aleng Maliit.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …