Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss World Philippines Valerie, desmayado rin sa MRT

 

HATAWAN – Ed de Leon . 

062515 Valerie Weigmann MRT

ISIPIN ninyo, pati ang naging Miss World Philippines 2014 na si Valerie Weigmann hindi na napigil ang pagpapahayag ng pagkadesmaya sa MRT. Inilabas niya iyan sa kanyang social networking account. Siguro nga hindi naman sumasakay talaga sa MRT si Valerie, pero madikit din kasi iyan sa masa dahil kung natatandaan ninyo, may panahong bukod sa pagiging isang modelo ay naging bahagi rin siya ng Eat Bulaga.

Actually nag-OJT lang siya noon sa Eat Bulaga, nang mapansin siya dahil talaga namang Tisay na Tisay at nang subukan naman nila ay nakatatawa naman siya, kaya naging regular.

Anyway, desmayado talaga si Valerie na nag-post pa ng picture ng mga commuter na naglalakad sa tabi ng riles ng MRT nang masira na naman iyon sa may Guadalupe station. May sinasabi pang may nag-g crack daw na riles ng tren sa lugar na iyon. Iyan ay sa kabila ng araw-araw na naririnig mo sa radio at sinasabi rin sa TV ang kapalpakan ng MRT matapos na magtaas pa sila ng singil sa pamasahe. Bakit nga ba ganyan sila kapalpak? Basta kami, simula noong lumampas iyang MRT sa riles doon sa Pasay, hindi na kami sumakay talaga.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …