Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash, focus muna sa Gimme 5 habang walang teleserye

MA at PA – Rommel Placente . 

062415 gimme 5

ANG boy-group na Gimme 5 na binubuo nina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquiza ang pinarangalan bilang Most Promising Recording/Performing Group sa nagdaang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ginanap sa The Theater ng Solaire Hotel & Casino noong June 14.

Ayon kay Nash, focus muna siya sa kanilang grupo habang wala pa siyang bagong serye saABS-CBN 2.

“Sa ngayon po, gusto nilang mag-focus muna ako sa Gimme 5. Kasi ‘yung album po namin, ini-release during ‘Bagito’. So medyo naudlot ‘yung promo namin para rito. Ilo-launch na po namin ‘yung third single naming ‘Aking Prinsesa’, so abangan n’yo na lang,” sabi ni Nash sa interview.

Sa ngayon ay masasabi ni Nash na singing muna ang priority niya.

“Iyon nga po. Dahil sa grupo naming Gimme 5. Nagti-train po kami. Nagwu-workshop din po kami halos araw-araw, ganyan.”

Pero kung may dumating daw ulit offer kay Nash na isang serye, sa tingin niya naman daw ay kaya niyang pagsabayin ang acting and singing career.

“Kung kaya po nating pagsabayin iyon, pipilitin natin. Siyempre po, we welcome that as well kasi po blessing ‘yun eh. So hindi dapat pinalalagpas ‘yung ganoon,” aniya pa.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …