Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen at Dennis, ‘di masamang magmahalan muli kahit nagkasakitan

 

HATAWAN – Ed de Leon . 

010515 jennylyn mercado dennis trillo

HINDI na nga siguro maikakaila ngayon ang mga tsismis na nag-reconcile na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Hindi naman nila itinatago. In fact nakikita sila sa mga public places na magkasama, magka-holding hands pa, at mukhang nagkasundo na ulit. Siguro nga hindi lang nila inaamin sa media, at karapatan naman nila iyon kung ang kanilang relasyon ay gusto nilang maging pribado. Kaya nga siguro ang lumalabas ay kagaya lamang ng dati na magkasundo naman sila pero hindi nila inaamin na may relasyon na sila ulit.

Hindi naman nila first time iyan. Ano ang malay ninyo, baka nga nag-split silang dalawa noon pero na-realize nilang talagang gusto nila ang isa’t isa. Wala naman sigurong sagabal sa ganoong relasyon. Dalaga naman si Jen, ibig naming sabihin wala pa siyang asawa at legally single siya. Ganoon din naman si Dennis, na wala ring asawa.

Hindi naman siguro issue kay Dennis kung may anak na si Jen. Bago pa man sila naging mag-on noon ay may anak na si Jennylyn. Hindi na rin naman siguro issue iyon dahil ang tatay ng anak ni Jen na si Patrick Garcia ay may anak na rin iba at happily married na ngayon.

Hindi rin naman siguro issue kay Jen na may anak na si Dennis. Dahil kagaya niya, may asawa na rin naman at may sariling pamilya na ang babaeng naanakan ni Dennis noon.

Wala kaming nakikitang issue na maaari nilang hindi pagkasunduan, maliban na lang doon sa inexpose ni Jen na bugbugan nilang dalawa ng una silang mag-split. Noong lumabas iyon, at saka lang nalaman ng mga tao na mayroon pala silang live in agreement kahit na hindi naman palagian, kaya umuuwi si Jen sa condo ni Dennis. Tapos nangyari nga iyong bugbugan at pinaalis siya ni Dennis sa nasabing condo. Pero nakaraan na iyon. Siguro naman nakalimutan na nila kung ano man ang naging problema noon o kaya naman, naisip nilang sa kabila pala ng mga nangyari, gusto pa rin nila ang isa’t isa, eh ‘di sige.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …