Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris at Vice, nanguna sa Editors’ Choice category ng The PEP List Year 2

 

ni M.V. Nicasio . 

060115 vice ganda kris aquino

TENSIYONADA ang Editor-in-Chief na si Ms. Joan Maglipon noong Huwebes ng gabi habang kausap namin para sa Pep List Year 2 Awards Night na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Resort & Casino. Paano’y umulan ng malakas ng hapong iyon kaya naman naapektuhan ang mga artista at special guests na nagtungo sa awards night.

Gayunman, star studded pa rin ang Pep List Awards dahil dumating ang mga naglalakihang artista bagamat medyo gabi na nasimulan ang programa.

Naibalita na natin noon ang mga nagwagi sa Pepsters Choice na ang mga nagwagi ay nanalo mula sa readers sa online at text votes. Kaya naman ang mga nagwagi saEditors’s Choice category na ang ating ihahatid. Ang mga nanalo rito ay pinili naman ng mga editor at staff ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nanguna sa mga nagwagi si Kris Aquino na itinanghal na Female TV Star of the Year samantalang si Vice Ganda naman (na takaw-pansin ng gabing iyon dahil sa headdress) ang Male TV Star of the Year

Sina Jennylyn Mercado at Gabby Eigenmann naman ang Editors’ Choice for Teleserye Actress at Actor of the Year. Nanalo si Jen para sa magaling niyang pagganap sa tatlong katauhan sa Rhodora X samantalang si Gabby ay ang gay-dad role niya sa Dading.

Ang The Legal Wife ng ABS-CBN ang nakakuha ng Primetime Series of the Year at ang TV5’s The Amazing Race Philippines Season 2 ni Derek Ramsay ang nagingVariety/Talk Show of the Year.

Si James Reid ang Editors’ Choice for Breakout Star of the Year at ang Kapamilya stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad ay binigyan ng special award from Hooqbilang Most Promising Stars.

The glittery awards ceremony of The PEP List Year 2 was held Thursday night, June 18, at the Grand Ballroom of Solaire Resort & Casino, along Aseana Avenue, Parañaque City.

Sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, at Alice Dixson ang nagsilbing host ng gabing iyon.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …