Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, nag-iipon para sa pagpapa-opera

HARDTALK – Pilar Mateo . 

060515 happy truck

TICKING of his moments!

Umarangkada na ang Happy Truck ng Bayan! ng TV5! Tuwing Linggo itong napapanood , 11 a.m..

Dahil dito, tuwang-tuwa na ang komedyanteng si Kim Idol. Na nag-akalang katapusan na ng mundo para sa kanya when he was diagnosed na mayroong AVM (Arteriovenous Malformation).

Ayon kay Kim, ”Congenital po siya. Baby pa lang po ako mayroon na pala ako nito. May abnormal na ugat sa utak ko na nagra-rapture at ‘yun ang kailangang gamutin. Pero non-invasive naman ang surgery na gagawin sa akin through what they call a gamma knife.”

Noong una, plano pa nga sana ni Kim na huwag na itong ipagsabi o ipamalita. Dahil baka mawalan daw siya ng mga raket abroad.

“Kaya lang kinailangan ko rin ng ipon para nga sa surgery. Kaya nagpa-fundraising din ako. At nakatutuwa naman na nabigyan ako ng show sa TV5! Malaking tulong po.”

Pagdating naman kasi sa pagpapatawa, hindi matatawaran ang creative mind na mayroon si Kim. Kaya nga noon eh, nakatulong din siya sa ilang segments sa isang noontime show.

At maski na nga sa mga major show ni Vice Ganda eh, nagko-collaborate sila. Nawalan din kasi ng raket sa sing-along bar si Kim nang paalisin siya at ‘di na papasukin nang ma-ospital at nag-incur ng maraming absences sa kanyang trabaho.

Pero alam naman daw niya na may magtitiwala at magtitiwala pa rin sa kanya. Kaya nga happy siya na napasama sa truck ng bayan sa TV5 na umangkada na sa pagbibigay kasiyahan sa mga manonood!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …