Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Upgrade, inapi ng producer ng show nina Charice at Rufa Mae

 

MATABIL – John Fontanilla . 

061915 upgrade

HINDI naiwasang malungkot ang UPGRADE nang biglang kanselahin ng producer ng Japan show nina Charice Pempenco at Rufa Mae Quinto (Lovely Explosion) na si Lovely Ishii ng Loyds International Marketing ang show na dapat magaganap sa April 11-12 na postponed ng June 20-21 dahil nagkasakit daw ang producer.

Kasama dapat sa nasabing concert ang UPGRADE, pero habang papalapit na ang show ay bigla na lang tinanggal ng Lovely Something! ang grupo at ni singkong duling ay hindi man lamang binayaran. Naging masigasig pa naman sa pagpo-promote at ipina-blocked na ang nasabing schedules para ‘di tumanggap ng ibang commitments.

Mistulang kinawawa nito ang mga bagets na umaasang makakasama sa show pero hindi pala. Grabe pa man din ang hirap ng mga ito sa pag-aayos ng mga requirement para sa Japan Visa ‘yun pala ay wala silang mapapala.

Hindi pa tumanggap ng ibang show ang UPGRADE na ang ending pala ay aalisin sila sa line up na magpe-perform sa Japan.

Anong klaseng tao naman itong si Lovely something na hindi maayos makipag-deal sa mga local artist? Kung sabagay, karma-karma lang ‘yan. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ibabalik sa ‘yo.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …