Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Danica, hirap hanapan ng regalo ang Daddy Vic

MATABIL – John Fontanilla . 

061915 Danica Vic Sotto marc pingris

WALA na raw maisip na ireregalo ang isa sa host ng TV5, Happy Wife Happy Life, na napapanood mula Lunes-Biyernes, 10:15 a.m. na si Danica Sotto sa kanyang Daddy Vic Sotto ngayong Father’s Day.

Kuwento ni Danica, “Ang hirap regulahan ng materyal na bagay si Daddy (Vic), kasi halos lahat nasa kanya na.

“Siguro baka mag-swimming na lang kami kasama ‘yung mga bata, mga apo niya at magdi-dinner.

“Pero sa husband ko (Mark Pingris) may regalo na ako pero simple lang siya.”

Dagdag pa ni Danica, happy siya at naging part siya ng Happy Wife Happy Life. “Masaya, sana marami pa kaming topics na ma-tackle, ‘yung parang hindi pa napag-uusapan before.

“Na prove ko sa show na ito na parang marami pa palang topics na puwedeng i-discuss.

“Kahit ako marami akong natututuhan, pag-uwi ko nga ng bahay sinasabi ko na ito palang recipe na ito gagawin ko, ‘yung mga ganoon,” pagtatapos ni Danica.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …