Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, non-showbiz girl ang ipinalit kay LJ

 

TALBOG – Roldan Castro .

122914 lj reyes jc de vera

MUKHANG walang pinagdaraanan si JC De Vera sa napapabalitang split-up nila ni LJ Reyes nang makita namin siya sa launching ng bagong endorser na Boardwalk. Ipinakita ni JC ang Hunk and Outerwear Collections.

Hindi naman kasi totoong loveless siya dahil ang rebelasyon niya ay mayroon siyang inspirasyon na non-showbiz. Mas bata raw ito sa kanya at schoolmate niya sa Colegio de San Agustin.

“Mabuti na ‘yung non-showbiz kasi mas low key,” bulalas niya.

Wala raw hiwalayang nangyari sa kanila ni LJ dahil hindi sila nag-match at naging official na mag-on.

“Dumating kami sa stage na inaayos ang mga bagay-bagay, kung paano ‘yung adjustments. Pero ‘yun nga, unfortunately hindi kami biniyayaan ng… ayoko namang sabihin na walang time, eh. Siguro may kanya-kanya kaming priorities kaya hindi nag-prosper,” deklara niya.

Itinanggi ni JC na nagselos siya sa sampung minutong nude love scene ni LJ sa isang pelikula na kasama si Luis Alandy. Naiintindihan daw niya ‘yun dahil pareho silang artista at alam niyang part ‘yun ng trabaho.

Anyway, may bagong serye si JC sa ABS-CBN 2 entitled Never Say Goodbye. Madalas din namin siyang napapanood bilang regular guest ng Banana Split: Extra Scoop. Mukhang paborito siya ng comedy unit dahil magaling siyang makisama at may timing din sa pagpapatawa.

Dalawa rin ang pelikulang ginagawa niya, ang True Story with Jessy Mendiola at ang Kabisera para sa Metro Manila Film Festival.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …