Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Horror movie not porn movie ang gagawin ni Robin with Maria

 

061515 maria ozawa robin mariel

00 fact sheet reggeeAno naman ang say ni Mariel na gagawa pala si Robin ng pelikula kasama ang porn star na si Maria Ozawa?

“Alam mo, hindi ko alam, sa Facebook at Instagram ko lang nalaman, si Maria Ozawa raw, porn star, nakakaloka. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan (Robin) ang mga ganoon.

“Alam ko lang may movie siya, pero hindi naman namin napag-usapan ‘yung mga casting, hindi ko naman alam, kahit ngayon hindi namin napag-uusapan o hindi ako nagtatanong,” katwiran ng misis ni Binoe.

“At saka hindi naman gagawa si Robin ng porn, respected actor naman siya, ‘di ba?” tila batang sagot sa amin ni Mariel.

Nabanggit pa na hindi love story ang pelikula kundi, “alam ko horror film ‘yun, sa rami nga ng script na dumarating sa bahay, minsan pinababasa niya sa akin, so binabasa ko naman, tapos magugulat ako, ‘shit, horror ba ‘to?’ sabi niya (Robin) ‘oo’ naku, hindi ko na binabasa.

“Takot ako sa horror, hindi ako nanonood talaga, ito na lang huli kasi sila Robin (nanonood), mahilig silang takutin ang mga sarili nila, ako hindi, napapanaginipan ko kasi, naiisip ko ‘yun. Pero ayoko talaga, nakaganito ako (nakatakip ang mukha).”

Baka raw akitin si Robin ni Maria Ozawa?

“Sabi ko nga, pangit naman kung ganoon ang outlook ko roon sa movie nila, parang right away, ginawa na nating nega, hindi na natin binigyan ng chance ‘yung movie nila (Robin at Maria), dapat hindi ganoon.

“At saka ang pinanghahawakan ko is may pag-uusap kami ni Robin (bago ikasal), ‘yun ang pinanghahawakan ko at wala naman siyang ginawa para i-violate ‘yun, so bakit ko siya pagdududahan, bakit ko siya bibigyan ng stress, imbes na suportahan ko siya sa movie niya. Ang sama ko namang tao,” say sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …