Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hikayat ni PNoy sa Filipino: Aral ng rebolusyon isabuhay sa kaunlaran

 

ni ROSE NOVENARIO

SI Pangulong Benigno Aquino III, kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Santa Barbara Plaza sa Brgy. Zone 2, Santa Barbara, Iloilo City kahapon. (JACK BURGOS)

ILOILO – Hinikayat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sambayanang Filipino na isabuhay ang aral na iniwan ng mga bayaning lumaban noong panahon ng rebolusyon para sa ating kalayaan.

Sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Santa Barbara, Iloilo, sinabi ng Pangulong Aquino, kompiyansa siyang hindi mapupunta sa wala ang ipinaglaban ng mga bayani at nasimulan ng kanyang administrasyon.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang panawagan na lang sa atin ngayon ay manatiling nagbibigkis para itaguyod ang kapakanan ng kapwa, lalo na ng mas nangangailangan.

Dagdag ni Pangulong Aquino, sana ay gawing gabay ang nakaraan, isabuhay ang mga aral na ating natutuhan sa kasalukuyan upang makamit ang mga inaasam na pagbabago at pag-unlad.

Kasabay nito, ginunita ang naging laban ng mga Ilonggo noong panahon ng rebolusyon sa pangunguna ni Gen. Martin Delgado.

Inihalintulad niya ito sa kanyang reform agenda na nagtanim ng butil ng pagbabago at unti-unti na ngayong naaani ang bunga.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …