Sunday , December 22 2024

Wheelchair sa Araw ng Kalayaan kaloob ni Lim

 

061315 lim wheelchair kalayaan
BILANG paggunita sa ika-117 Araw ng Kalayaan, ‘pinalaya’ ni Manila Mayor Alfredo Lim kahapon, ang mga residente sa lungsod na matagal nang ‘ikinulong’ sa banig dahil sa iniindang sakit, edad o di kaya ay kapansanan, nang pagkalooban ng ‘bagong’ wheelchair upang maibsan ang kanilang paghihirap sa loob ng mga nakalipas na taon.

MAY isang dosenang mahihirap na residente ng Maynila na hindi na nakagagalaw dahil sa iniindang sakit, edad o kapansanan, ang nabigyan ng bagong kalayaan kahapon mula sa kanilang paghihirap sa loob ng nakalipas na mga taon.

Ito ay nang ipagdiwang kahapon ni dating Mayor Alfredo S. Lim ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng wheelchair sa nasabing mga residente na tuwang-tuwa at nagulat sa paglitaw ng dating alkalde sa kani-kanilang tirahan upang personal na dalhin ito sa kanila.

Mahigit dalawang dekada nang ginugugol ni Lim ang kanyang mga weekend at piyesta opisyal sa pagdadala ng mga libreng wheelchair sa mga nangangailangan nito ngunit walang pambili, maging bata man o matanda.

Ibinibigay ni Lim ang mga wheelchair sa mga maysakit, may kapansanan o iba pang hindi na makatayo o makalakad, upang kahit paano ay makakilos na sila at maging aktibo at produktibong miyembro ng lipunan.

Kabilang sa mga tumanggap ng libreng wheelchair kahapon ang 67-anyos tindera ng gulay sa Balut, Tondo na si Amelia Santos Navarro, na naputulan ng binti tatlong taon na ang nakararaan dahil sa diabetes; ang stroke victim na si Estella Marie Castillo ng Sampaloc, at Romeo Canlas, 69, ng Tondo na may problema sa gulugod.

Umiyak sa tuwa ang mga dinalhan ni Lim ng libreng wheelchair nang makita siya, kasabay ng labis na pasasalamat. Dinumog din si Lim ng mga residente na nagpahayag nang patuloy na suporta at kung gaano siya kailangang muli ng mga taga-Maynila na pamunuan sila at ang lungsod.

Gaya ng dati na niyang ginagawa, itinuro ni Lim sa mga kaanak ng pasyente kung paano gamitin ang wheelchair at saka ito itinulak lulan ang pagbibigyan upang matiyak na maayos ang andar nito.

Sa loob ng panunungkulan ni Lim bilang alkalde ng Maynila ay nakapamigay siya nang mahigit 2,500 wheelchairs sa mahihirap na residente mula sa anim na distrito ng lungsod.

Aniya, ang pagbibigay ng paraan upang makakilos ang mga naturang recipients ay makapagbibigay ng panibagong pag-asa upang maging mas madali ang buhay para sa kanila at magawa ang ilang bagay na gusto nilang gampanan.

Personal na dinadala ni Lim ang mga nasabing wheelchair nang sa ganun ay hindi na kailangan pang umalis ng bahay ang mga humihiling nito o di kaya ay maghanap pa ng kasama at gumastos sa pamasahe upang kunin lamang ang wheelchair na kailangan nila.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *