Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, kontento na basta’t kasama ang mga anak

HATAWAN – Ed de Leon . 

022515 Cesar Montano Sunshine Cruz

MARAMI ang naghihinayang na wala si Sunshine Cruz doon sa press conference niyong Just The Way You Are. May special role ang aktres sa nasabing pelikula. Marami pa naman ang nag-aabang kay Sunshine dahil sa ilang controversial na issues na gusto nila siyang mag-comment, pero siguro naisip nga nila huwag na lang. Kung dumating doon si Sunshine, baka napag-usapan ang kung ano pa at nakalimutan ang pelikula. Siyempre mangingibabaw ang issues.

Pero si Sunshine naman, halos ayaw nang gumawa ng kahit na anong public statement sa mga issue na sinasabi. Ang katuwiran ni Sunshine, hintayin na lang kung ano ang mangyayari. Basta kasi siya, ang gusto lang niya ay makakawala na rin sa mga isyu na iyan at makawala na rin sa kung ano mang mga dating responsibilidad mayroon siya.

Gusto niyang mapalaki na lang ng maayos ang kanyang tatlong anak. Kung ano man ang mangyari, kung may makuha mang suporta ang mga iyon mula sa kanilang ama o wala, pareho lang kay Sunshine, after all maganda naman ang itinatakbo ng kanyang career at nakakaya naman niyang suportahan kung ano man ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Inaamin ni Sunshine, na medyo bawas nga lang ngayon ang mga luho nila, pero natutuwa siya at ok lang naman iyon sa kanyang mga anak. Sinasabi naman niyong mga bata na happy na sila basta magkakasama sila at tahimik na ang kanilang buhay. Kung iisipin mo nga naman, wala naman talagang substitute sa tahimik na buhay.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …