Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, positibo, buntis sa ikalawang pagkakataon!

 

061115 juday ryan

00 fact sheet reggeePOST ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa kanyang @officialjuday Instagram account kahapon, “June 10, 2015, 10:24AM—— POSITIVE”

Masayang inanunsiyo rin ito ng asawa ng aktres na si Ryan Agoncillo sa programang Eat Bulaga habang hawak ang litratong kuha sa ultrasound test.

Natupad na ang pangarap ng mag-asawang Juday at Ryan na muli silang bigyan ng isa pang anak bago man lang tumuntong ang aktres sa 40. Ito ang sinabi niya noon sa presscon ng I Do.

Siyam na linggong buntis ang aktres kaya sobrang tuwa ng mag-asawa kasama na ang buong pamilya, mga kaibigan at katrabaho.

Ilang linggo na ring kumakalat na buntis si Budaday pero walang kompirmasyon at kahapon lang ito inamin ng dalawa.

Naisip namin na baka ito na ang dahilan kaya hindi tinanggap ni Juday ang pelikulang Etiquette of Mistresses kasama sina Kris Aquino, Kim Chiu, at Claudine Barretto.

Nagtanong naman kami sa Dreamscape Entertainment kung tuloy pa rin ang taping ng seryeng Someone To Watch Over Me ngayong Hulyo o Agosto na pagsasamahan nina Juday at Richard Yap pero hindi pa kami masagot habang tinitipa ang balitang ito.

Wala ring sagot ang manager ng aktres na si Tito Alfie Lorenzo nang i-text namin kahapon tungkol sa project nito sa Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …