Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglabas ng Kathniel sa Pangako Sa’yo, record-breaking sa social media at ratings

BANAT! – Pete Ampoloquio, Jr.

061115 kathniel

Mas tumaas pa ang national TV ratings ng mga primetime show ng ABS-CBN noong nakaraang weekend (mula Hunyo 5-7), base sa pinakahuling datos ng Kantar Media.

Umariba ang “Maalaala Mo Kaya” na pumalo sa national TV rating na 39.2%, o halos 17 puntos na lamang kumpara sa kalaban. Humataw rin ang grand showdown ng “Your Face Sounds Familiar” na nakakuha ng national TV ratings na 37.6% noong Sabado, at 36.7% noong Linggo. Inabangan din ng Kapamilya viewers pagsisimula ng “The Voice Kids” Season 2 na nagtala ng 35.4% noong Sabado at 36.2% noong Linggo.

Samantala, pumalo naman ang “Nathaniel” na pinangungunahan ng bagong child prodigy na si Marco Masa sa all-time high national TV rating nito na 37.5%, o mahigit doble ng katapat nitong programa.

Record-breaking din hindi lamang sa social media kundi pati na rin sa TV ratings ang inaabangang paglabas nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa teleseryeng “Pangako Sa’yo” na nakapagtamo ng national TV rating na 37.2%.

Mas naging mainit naman ang pagtutok ng sambayanan sa mas umiinit ding love triangle nina Gael (Jericho Rosales), Carlos (Paulo Avelino), at Mia (Maja Salvador) sa “Bridges of Love” na rumatsada sa national TV rating na 23.7%.

Hindi rin nagpahuli ang pinakabagong seryeng “Pasion de Amor” na nagtala ng 22.5% na siyang pinaka- tamaas nitong ratings simula nang umere ito noong Hunyo 1. Pinangungunahan ito ng hot chicks na sina Coleen Garcia, Ellen Adarna at Arci Munoz, with their respective leading men Joseph Marco, Ejay Falcon and Jake Cuenca.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnan ng mga programa ng ABS-CBN, mag-log on lang sa abs-cbn.com, o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng mga programa ng Kapamilya network gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …