Thursday , May 2 2024

Arjo, sobrang ipinagmamalaki si Coco

 

061015 Arjo Atayde coco Martin

00 fact sheet reggeeKUNG kailan pabalik na ng Pilipinas sina Sylvia Sanchez kasama ang buong pamilyang nagbakasyon sa Osaka, Japan ay at saka sila nakaramdam ng lindol.

Matatandaang nilindol ang Tokyo, Japan noong isang linggo sa magnitude na 8.5 pero hindi raw naramdaman nina Sylvia dahil malayo ang Osaka.

Tatlong araw bago sila umuwi ay naranasan na nilang lumindol.

“Habang nasa outlet kami, malapit sa airport, lumindol din, sabi ko, bakit parang nahihilo ako, tapos nakita ko ‘yung mga chandelier, gumagalaw kaya sabi ko, ay lumilindol kasi nahihilo ako.

“Pero ‘yung mga tagaroon, parang normal lang kasi diretso pa rin ang lakad nila, kami lang ng mga anak ko ang natigilan at talagang huminto kami. Siguro mga intensity 4 o 5 lang, hindi katulad sa Tokyo na nag-8.5 ba ‘yun?

“Noong lumindol sa Tokyo, ng 8.5 magnitude hindi namin naramdaman talaga, pero nitong malapit na kaming umuwi, lumindol ng kaunti,” pagkukuwento ng aktres sa kabilang linya.

At ngayong nasa Pilipinas na siya ay nananalangin siyang hindi na sana dumating ang sinasabing The Big One dahil nga nasa fault line ang bahay nila sa isang subdibisyon sa Quezon City.

“Basta ako nananalangin lang na sana huwag na matuloy. Bahala na ang Diyos sa ating lahat,” sabi ng aktres.

Naikuwento ni Ibyang na noong nasa Japan sila ay walang ginawa ang panganay niyang si Arjo Atayde kundi mag-text at pinauuwi na sila.

“Panay nga ang text, araw-araw at nami-miss na raw kami at pinauuwi na kami. Totoo nga ‘yung sabi mo, nalulungkot kasi pag-uwi ng bahay wala siyang makausap.

“Kaya naman pag-uwi namin, hayun walang tigil sa kakakuwento kung anong nangyari sa taping nila ni Coco Martin,” masayang tinig ng aktres.

Hindi nakasama ang aktor dahil nagsimula na ang tapings nila ng FPJ’s Ang Probinsiyano kasama si Coco Martin.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Ibyang tungkol sa anak, “grabe Reggee, sobrang ipinagmamalaki ni Arjo si Coco, sobrang bait, sobrang galing makisama, sobrang galing umarte at nagbibigay daw ‘pag eksena na nila.

“Sina Arjo at Coco raw ang laging magka-eksena at nagbibigay daw si Coco. ‘Di ba may mga bida na kapag bida sila, dapat sila ‘yung aangat, si Coco raw hindi ganoon, gusto niya lahat aangat.

“Overwhelmed nga raw si Arjo kasi nakakausap niya si Coco na walang kaere-ere na maski sikat na, hindi raw nariringgan ng yabang, kaya sabi ko nga, ‘oo, naririnig ko nga na mabait si Coco.’

“Tapos sobrang mesmerized din daw siya (Arjo) kay Ms. Susan Roces kasi nakakausap niya rin at talagang ang bait at maraming kuwento.

“Kaya sabi ko nga sa anak ko, pagbutihin niya kasi mga batikang artista na ‘yung nakakasama niya.

“Masaya ako, Reggee para kay Arjo kasi pangarap niya talaga ‘yan, makatrabaho ang mga magagaling,” kuwento ng proud mama ng aktor.

Samantala, dalawang linggong napanood si Sylvia bilang nanay ni Angelica Panganiban na gumaganap bilang si Claudia Buenavista at hindi raw napanood ng aktres ito kaya ngayong pagdating niya galing Japan ay magkukulong siya sa kuwarto para panoorin.

“Special participation lang naman ako sa ‘Pangako sa ‘Yo’ hindi naman ako talaga regular doon,” sabi ng aktres sa amin.

As of now ay wala pa siyang alam na project niya, “sabi lang may kasunod, eh, wala pa namang sinasabi kaya wala akong alam,” say ni Ibyang.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *