Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino si Myrus sa buhay ni Kim Chiu?

061015 Myrus Kim Chiu

00 Alam mo na NonieANG Wala Man Sa ‘yo Ang Lahat na originally ay kinanta at kinompose ni Myrus, ay personal na pinili at isinama ni Kim Chiu sa kanyang bagong Chinita Princess album under Star Music. Bagama’t hindi ito ang naging carrier single ng naturang album, lubos ang pasasalamat ni Myrus kay Kim dahil sa ginagawa nitong pag-acknowledged sa kanya.

Sa katunayan, sa ginanap na album promo ng Kapamilya aktres sa isang mall sa Bulacan kamakailan, personal ni-yang inimbitahan si Myrus para makipag-duet sa kanya. Kaya naman sobrang natuwa ang guwapong singer/composer.

“I really admire Kim for being such a kind, humble and genuine person. Ibang klase ang pag-acknowledge niya sa akin and I wanna thank her for that. She is such a blessing to me, kaya sabi ko nga gagawa ako ng mara-ming kanta for her,” pahayag ni Myrus.

Hindi raw maipaliwanag ni Myrus ang nararamdaman habang ka-duet si Kim, “Habang kumakanta kami together, para akong nasa ulap. Salamat talaga sa Diyos!”

Sa ngayon ay busy pa rin ang singer/composer sa kanyang upcoming shows at paggawa ng mga kantang nakapagpapagaan ng pakiramdam. Para sa mga makakarinig ng Wala Man Sa ‘yo Ang Lahat, damhin at pakinggan ang kantang ito, maging version man ni Kim o Myrus, na itinuturing bilang Sentimental Pop Prince.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …