Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MTRCB masyadong OA sa naging reaksyon sa pinakawalang dialogue ni Pilar Pilapil sa “Pangako Sa‘yo” (Feeling nasa Era 60s pa sila!)

 

VONGGANG CHIKKA! – Peter Ledesma

061015 Pilar Jodi Ian

HONESTLY, masyado na yatang nagiging OA ang pagka-sensitive ng MTRCB lalo na sa pagpuna nila sa mga kasalukuyang programa sa telebisyon sa iba’t ibang estasyon.

Imagine, pati ‘yung confrontation scene sa isang episode ng isa sa nangungunang teleserye ngayon sa ABS-CBN Primetime bida na “Pangako Sa’Yo” sa pagitan ni Ms. Pilar Pilapil at Ian Veneracion na gumaganap na mag-ina sa serye ay over react sila.

Habang pinapagalitan ni Donya Benita Buenavista (Pilar) ang anak na si Eduardo (Ian) tungkol sa pagpapakasal sana sa nobyang si Amor na ginagampanan ni Jodi Sta. Maria ay nakapagbitaw siya kay Eduardo ng linyang: “Kung libog lang iyan that’s okay. Go ahead.”

Oo naman may inis factor sa viewers ang nasabing dialogue ng beteranang aktres lalo na sa mga tagahanga nina Ian at Jodi na gusto siyang sabunutan. Pero tila ‘di naman makatarungan ‘yung naging reaksyon ng mga taga-MTRCB na foul daw ‘yung ginamit na salita ni Ms. Pilar, na nakasisira raw sa dignidad ng mga kababaihan at nasa konstitusyon raw ito. Kaya agad pinadalhan ng summon ng nasabing ahensiya ang kasalukuyang head ng TV Production at Entertainment na si Sir Laurenti Dyogi para kunin ang atensiyon ng network sa kanilang hinaing.

Hindi naman sa ipinagtatanggol namin ang programa at ang production team ng Star Creatives na producer ng Pangako Sa’Yo. Pero ‘yung character na pino-portray ni Tita Pilar sa show ay main contravida at naturalamente na gagawin niya ang lahat at sasabihin kung ano ang gustong sabihin para mawala sa landas ni Eduardo si Amor dahil ang gusto nga niyang pakasalan ng anak ay si Claudia (Angelica Panganiban) at nagtagumpay naman siya.

Saka ‘di ba, may rating advisory naman ang MTRCB sa bawat palabas na na madalas i-flash sa ating TV screen tulad ng “SPG” na ang ibig sabihen ay “Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang” dahil may halong maseselan, sekswal, karahasan at aksyon sa eksenang mapanonood.

Kalokah, ano pa kaya ang silbi nito?

Hayan tuloy, dahil sa kangangawa ninyo, sobrang-taas tuloy ng rating gabi-gabi ng PSY gyud!

BACK TO SCHOOL NA AT KAAKIBAT NG MGA BATA ANG COTTON CLUB

Back to school na nga ang mga bata. May natutuwa, may nalulungkot, may natatakot. Iba-iba ang reaction lalo pa kung first timer na papasok ang tsikiting. Hindi nawawala siyempre ang may umaatungal sa unang araw ng klase. At bilang payo ni Victor Basa, sa inyong kids, give them the most comfortable undershirt. Isa rin kasi sa nagpapainit ng ulo sa bata ang mainit at ‘di komportableng kasuotan.

Tamang-tama ang Cotton Club apparel kapag ganitong back to school ang mga bata. Masarap at komportable sa katawan dahil halos ay 100 percent cotton ito. Bilang pakikiisa sa mga mag-aaral, may handog na discount ang mga produkto ng Cotton Club sa piling department stores.

Kaya ngayong pasukan, samantalahin ang malaking diskuwento na 20 hanggang 50 percent ay makukuha ninyo.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …