MA at PA – Rommel Placente
NAGBALIK-SHOWBIZ si Hero Angeles. Napanood siya rati sa isang serye ng ABS-CBN 2. Pero walang impact ang pagbabalik-showbiz niya, hindi siya pinag-usapan.
Ibig sabihin nito, hindi na siya tinanggap ng publiko. Hindi na talaga maibabalik ang kasikatang tinamasa niya noong ka-loveteam niya pa si Sandara Park.
Kung bakit naman kasi naisipan niya at ng kuya Henry niya na kalabanin noon ang ABS-CBN 2 na siyang nagpasikat sa kanya, ayan eh, ‘di nawalan siya ng career at tuluyan na ngang nalaos.
Lumipat siya noon sa GMA 7 pero hindi na rin siya nito nagawang pasikatin.
Pasalamat nga siya na sa kabila ng ginawa niya sa Kapamilya Metwork ay nagawa pa rin siya nitong bigyan ng project.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
