Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chanel Morales, tampok sa Wattpad series ng TV5

 

060515 chanel dominic Roque joshua

00 Alam mo na NonieMASAYA si Chanel Morales sa ibinibigay na projects ng TV5. Tampok sina Chanel, Mark Roque at Joshua Ouano sa Wattpad Presents: Secretly In A Relationship With A Gangster na magsisimula nang mapanood mula June 8 to 12 (Monday to Friday), sa ganap na ika-siyam ng gabi.

Ito ay kuwento hinggil sa modern tale of love and trust. Base ito sa popular online novel ni Sujuanjell, na umabot na sa apat at kalahating milyon ang bumasa at nakakuha ng 46,000 Wattpad votes.

Bukod sa Wattpad series na ito, napapanood din si Chanel sa Happy Truck at Tropa Moko Unli Spoof ng Kapatid Network.

Aminado rin si Chanel na kinilig siya nang pag-agawan ng dalawang guwapitong co-star sa Wattpad series nilang ito. “Opo siyempre, exciting ang ganoon na pinag-aagawan ka ng dalawang boys na ang guguwapo pa! Siyempre ay kinikilig talaga ako,” nakatawang esplika niya.

Ipinahayag din ni Chanel na kahit off-camera raw ay may kilig talaga siyang na-feel dahil okay katrabaho sina Mark at Joshua.

“Nagpupunta kasi sila sa dressing room namin kapag script reading na at nagkakatuwaan talaga kami, nagbibiruan,” nakangiting kuwento pa ni Chanel.

Nabanggit pa niyang bukod sa acting, pangarap din ni Chanel na maging isang singer din. “Hindi lang po singing, singing and dancing, iyong performing talaga. Kung puwede naman pong pagsabayin, mas okay iyong ganoon.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …