Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Final 4 ng YFSF, may raket na agad abroad

060315 Edgar allan melai JR nyoy

00 fact sheet reggeeISA si Nyoy Volante sa hinuhulaang mananalo sa Your Face Sounds Familiar dahil ang galing-galing nitong manggaya ng music icons na ipinagagawa sa kanya.

Inamin ni Nyoy na hirap na hirap siya at hindi lang naman daw siya kundi silang lahat, depende lang kung sino ang natapat na gagayahin.

Kay Justin Bieber sobrang nahirapan ang acoustic singer, “sobrang hirap na hirap talaga ako, sa boses, iba ‘yung gagawa ka ng boses ng babae at iba ‘yung gagawa ka ng boses ng lalaki na bata. Most of us naman ang nagiging challenge ay ‘yung boses,” kuwento ni Nyoy.

Semi-regular si Nyoy sa ASAP at noong nag-umpisa na ang Your Face Sounds Familiar ay nakabakasyon siya kaya hoping siya na muling makabalik sa programa pagkatapos ng YFSF.

“I used to be the regular member of ASAP Sessionistas, kaya sana po, makabalik,” say ni Nyoy.

Si Nyoy ang may pinakamataas na scores sa Final 4 ng YFSF na binubuo nina Jay R, Edgar Allan Guzman, at Melai Cantiveros.

At aminado ang binata na sa kanilang apat ay posibleng manalo si Jay R, “magaling kasi talaga po si Jay R, hindi rin natin maitatago na si Melai has the support of the masses, and EA (Edgar Allan) is slowly being loved his charms at lahat nakakapansin na si EA talaga, love siya ng mga tao.”

Pero binanggit namin na maraming taga-ABS-CBN na gusto si Nyoy at sinabihan pa nga kaming iboto siya.

“Sana, sana o, well buong mundo kalaban natin dito, makakapag-express ng gusto nila (text votes),” say pa ni Nyoy.

At hindi pa man natatapos ang grand finals ng YFSF ay may mga out of the country na ang Final 4 kaya bongga dahil may raket na kaagad sila.

At sa mga hindi nakaaalam ay ikakasal na si Nyoy sa long time girlfriend niya at inamin na ang mapapanalunan niya ay, “magagamit ko po sa kasal ko, yes sa February 2016. And I think, I have to save the rest.”

Ang napiling charity naman ni Nyoy para sa kalahating mapapanalunan ay mapupunta sa Anawim, home for the aged na matatagpuan sa Montalban, Rizal.

Kaya sa supporters ni Nyoy, panoorin ang Grand Showdown ng Your Face Sounds Familiar kasama ang host na si Billy Crawford, ang jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela, at Sharon Cuneta kung sino ang tatanghaling grand winner ngayong Sabado (Hunyo 6) at Linggo (Hunyo 7) na gaganapin sa Resorts World Manila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …