Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasamaan ni Coney, hanggang saan kaya aabot?

 

042415 Coney Reyes

00 fact sheet reggeeNANANATILING isa sa highest-rating series ng ABS-CBN ang Primetime Bida soap na Nathaniel na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at ng bagong child wonder na si Marco Masa na gumaganap bilang si Nathaniel.

Sa huling survey na inilabas ng Kantar Media/TNS, pumalo sa pinakamataas nitong national TV rating ang inspirational drama series ng ABS-CBN matapos masaksihan ng madlang pipol ang muling paglipad ni Nathaniel bilang anghel na pinababa sa lupa para ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos.

Sa datos ng Kantar Media last week, nakamit ng nasabing serye ang all-time high national TV rating nitong 37% nang sagipin ni Nathaniel sa tiyak na kapahamakan si Abby (Yesha Camile), ginamit nito ang kanyang mga pakpak upang sagipin ang buhay nito.

Maitatago pa nga ba ni Nathaniel sa lahat na siya ay isang anghel? Ano na ang mangyayari kapag nalaman niya na sina Rachel (Shaina) at Paul (Gerald) ang tunay niyang mga magulang?

At hanggang saan naman aabot ang kasamaan ng karakter ni Coney Reyes sa serye? Tuluyan na kaya niyang mahila sa impyerno ang kanyang anak na si Paul?

In fairness, talagang pinapalakpakan ng manonood ang lahat ng bida sa serye tuwing gabi, dahil sa kanilang epektibong akting!

Napakarami pang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Nathaniel kaya huwag na huwag bibitiw sa kuwentong magpapatunay na may kabutihan sa puso ng mga tao, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa produksiyon pa rin ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …