Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra vs. Globalport

020415 PBAMAGPAPABUWENAS ang Barangay Ginebra na baka makakatulong ngayon ang bagong Asian reinforcement na si Jiwan Kina na kanilang ipaparada kontra Globalport sa kanilang duwelo sa PBA Governors Cup mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coiliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay magkikita ang Rain Or Shine at Blackwater Elite.

Si Kim ay humalili sa kanilang unang Asian reinforcement na Mongolian na si Sanchir Tungalag. Si Kim ay isang scorer at hindi isang playmaker.

Makakatuwang ni Kim ang mga big men na sina Gregory Slaughter at Japhet Aguilar na nakabalik na buhat sa injured list.

Ang iba pang locals na inaasahan ni coach Frankie Lim ay sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Josh Urbiztondo.

Tinambakan ng San Miguel Beer ang Barangay Ginebra sa kanilang huling laro, 100-85 . Bumagsak ang Gin Kings sa 2-4.

Ang Globalport ay galing sa 123-120 panalo kontra Talk N Text upang mapatid ang two-game losing skid at umakyat sa 4-2 karta.

Ang Batang Pier ay pinangungunahan ng Amerikanong si Jarris Famous at Palestinian na si Omar Krayem.

Ang kanilang local support ay kinabibilangan nina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Keith Jensen, Billy Mamaril at Anthony Semerad.

Ang Rain Or Shine at Blackwater ay kapwa may 1-4 record at nangungulelat. Ang Elasto Painters ay tinalo ng Barako Bull sa kanilang huling laro 112-103. Ang Elite ay tinambakan naman ng Meralco, 87-72.

Ang Rain Or Shine ay sumasansdig sa import na si Wendell McKinnes na makakatunggali ng naturalized citizen na si Marcus Douthit.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …