Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowin, 3 Linggo ng talo sa ratings; Willie, malungkot ang aura

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III .

060315 willie revillame

MARAMI ang nakapupuna na sa tatlong Linggong pagsasahimpapawid ng nagbalik na palabas ni Willie Revillame sa GMA ay tila malungkot ang aura ng TV host.

Dahil daw ba ‘yon sa maikling air time ng kanyang Sunday show na hindi kasya sa limitadong oras ang mas matitindi pa sanang pasabog ni Kuya Wil na nakasanayan na ng kanyang mga manonood, both live and on TV?

Naghahanap ba ang mga loyal viewer ni Kuya Wil ng kabatuhang female co-host na isa pa ring nakasanayang sangkap ng show ng TV host?

From an insider, sa ikli na nga raw ng air time ng Wowowin, kakailanganin pa raw ba ni Kuya Wil ng co-host na kakain lang ng oras ng dapat sana’y shining moments lang nito?

For the records, tatlong sunod-sunod na Sunday na natatalo ang Wowowin sa katapat nitong movie block ng ABS-CBN. Sa pilot episode lang nito—aired with no commercial break—pumalo sa ratings ang Wowowin registering 8+ ratings figures, patunay lang na talagang inabangan ito ng mga sabik na tagasubaybay ni Kuya Wil.

The following three Sundays, however, were a BIG disappointment, way below expectations nga ang mga naitalang pigura nito that failed to sustain its ratings strength when it piloted.

sa pang obserbasyong aming nakalap: the program is too dragging, walang bago sa ipinamamarali pa manding bagong-bihis na palabas.

Makadagdag kaya sa ratings kung sisimulan na naming panoorin ang Wowowin?

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …