Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, nailang nang makita ang hubad na katawan ni Enrique

 

060315 liza enrique

00 fact sheet reggeeNAGKATAWANAN ang entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikulang Just The Way You Are nina Enrique Gil at Liza Soberano na idinirehe ni Theodore Boborol mula sa Star Cinema dahil sa mga sagot ng dalagita.

Hiningan kasi ng reaksiyon si Liza sa topless scenes ni Enrique.

Umamin naman si Liza na talagang na-conscious siya. “Noong una po naiilang ako, maski itanong ninyo kay direk, naiilang ako, ‘yung (eksena) sa banyo, ‘yung sumigaw akong naka-ganoon (nakatakip ang mukha pero nakasilip ang isang mata), curious lang po ako. Nako-conscious po ako kapag nakahubad na (sabay tawa).”

‘Di ba Ateng Maricris, napaka-candid ng sagot ni Liza, halatang bata pa.

MAGANDA RAW ANG KATAWAN NI ENRIQUE ‘PAG GUTOM

At ang isa pang nakatutuwang sagot ni Liza sa tanong kung maganda ang katawan ng leading man niya, “minsan po, minsan kasi busog siya (malaki ang tiyan), ha, ha, ha.

Sabay bawi naman, “(Pero ‘yung eksena sa sasakyan), ay maganda po talaga ang katawan niya roon, kasi hindi talaga siya kumain ng lunch noon at todo push-up pa po siya bago kinunan ‘yun.”

Maging si Enrique ay natatawa rin at inamin na ring conscious siyang humarap kay Liza kapag busog at confident naman kapag gutom dahil wala siyang tiyan.

PERANG KINITA SA FOREVERMORE, IBINILI NG BAHAY AT KOTSE

Samantala, nagbunga na ang kaunting panahong paghihintay ni Liza dahil nabanggit sa amin ng manager niyang si Ogie Diaz na ang kinita ng dalagita sa Forevermore ay ipinambili ng bahay na nakatira silang pamilya ngayon at ngayong Hunyo ide-deliver naman ang bago niyang sasakyan para hindi na siya manghihiram sa manager niya.

Bale isang bahay ulit at condo unit pa ang bubunuin ni Liza tulad ng pinag-usapan nila ng manager niya plus sasakyan ulit para sa pamilya niya at magamit kapag coding siya.

Itong linggong ito ay patungong San Francisco si Liza para sa international screening ng Just The Way You Are at pagbalik ng Pilipinas ay ang recording para sa unang album mula sa Star Music naman ang aatupagin niya at ibang TVC shoots.

At muling babalik ng San Francisco ang dalagita para sa isang international shoot at iba pa.

Mapapanood na ang Just The Way You Are sa Hunyo 17 at kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, Jon Lucas, Alex Diaz, Sue Ramirez, Chienna Filomeno, Myrtle Sarrosa. Kyra Custodio, Miguel Vergara, Yves Flores, Erin Ocampo, Marco Gumabao, Tonton Gutierrez, at Sunshine Cruz.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …