Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sagot ni Liza sa I Love You ni Enrique, Thank You

 

060315 Enrique Gil Liza Soberano 2

00 SHOWBIZ ms mINAMIN ni Enrique Gil noong Lunes sa presscon ng Just The Way You Are na in-love at nagsabi na siya ng I Love You kay Liza Soberano.

Ang pag-amin ay naganap nang tanungin ang actor kung in love na ba ito sa kanyang kapareha. “Ano sa tingin mo,” medyo nahihiyang sagot nito.

Nang tanungin uli ito kung nasabi na niya sa dalaga na inlove siya, ang sagot nito’y, “’Yun na ‘yun.” Pero kinulit pa rin siya at naisagot na lamang nito ang, “Silence means yes.”

Nang tanungin naman si Liza ukol sa pag-aming ginawa ng binata, natawa naman ito at sumagot ng, “Ipinaparamdam naman po.”

Nang tanungin naman kung nag-I love you na ba ang binata, inamin naman nito na oo raw at ang naging sagot ni Liza, “Thank you.”

Naging close ang dalawa nang simulan ang Forevermore na nagtapos na kamakailan sa ABS-CBN.

Mamarkahan naman ng Just The Way You Are ang mainstream debut ni direk Theodore Boborol at ng mga manunulat na sina Ceres Helga Barios at Maan Dimaculangan-Fampule na nag-adopt sa material para sa big screen ng best selling Pop Fiction book na The Bet.

Isang romantic comedy na nakasentro sa istorya nina Drake (Enrique) at Sophia (Liza) ang istorya ng Just The Way You Are. Isang badboy si Drake na magiging entangled kay Sophia, isang outcast sa eskuwelahan. Sa pamamagitan ng isang pustahan, sinabi ni Drake na kaya niyang mapa-inlove ng head over heels sa kanya si Sophia. Ang hindi alam ng kanilang mga kaibigan ni Drake, bagamat bad boy ito, tough girl naman ni Sophia na may kanya-kanyang problema sa pamilya na siyang huhubog sa kanilang pagkatao at tunay na pagmamahal sa isa’t isa.

Mapapanood na ang Just The Way You Are, sa June 17.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio .

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …