Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hiwalayang Dr. Manny at Pie, mas pinag-usapan kaysa surgicenter business nila

 

HATAWAN – Ed de Leon.

060215 manny pie calayan

EWAN nga ba kung bakit, pero mukhang mas napag-usapan pa ang sinasabing pagbabalikan nina Dr. Manny at Pie Calayan kaysa kanilang mga bagong produkto at sa katotohanang dalawang dekada na pala ang kanilang beauty at surgicenter business. Nagkaroon kasi ng tsismis tungkol sa mag-asawang dermatologist na umano nagkahiwalay sila, at ang pinagbibintangang involved ay isang seksing female star.

Pero hindi naman pala totoo iyon. Binabantayan lamang ni doktora ang kanilang mga anak na nag-aral sa US, at sinubukan din nila na magtayo ng clinic doon.

Iyong clinic sa US, kahit na marami rin daw pasyente, napilitan silang isara nang kailangan nang bumalik sa Pilipinas si Dra.Pie, kasi kahit na may makukuha naman silang associate doctors na maaari nilang ilagay doon, ayaw nila dahil gusto nila sila mismo ang haharap sa mga pasyente.

“Kaya nga kahit dito sa Pilipinas hindi kami nagparami ng clinic eh, kasi gusto namin kami mismo ang titingin sa pasyente. Kung ibang doctor din ang haharap sa kanila, para ano pang sasabihing pasyente sila ni Calayan,” sabi ni Dr. Manny.

Anyway, dalawang dekada na sila sa negosyo, at involved pa rin sa showbiz dahil sa napakaraming mga artistang nagpupunta sa kanila, kahit na hindi naman nila mga endorser.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …