Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pooh at K, walang malisya sa ginawang lovescene

MAKATAS – Timmy Basil.

060115 pooh K Brosas

TIYAK na hindi kayo magsisisi kapag pinanood ang pelikulang Espesyal Kopol starring K Brosas at Pooh. Sa kuwento pa lang ng dalawa, matatawa ka na talaga.

Ang istorya, parehong manggagantso at nagkataon na sa isang boarding house sila nakatira. Nagka-developan at may lovescene pa raw sila.

Pero kahit na raw magkalapat ang mga ari nila ay wala raw talagang malisya at pagkatapos ng eksena ay tawa lang daw sila ng tawa.

Sa June 3 na ang showing ng Espesyal Kopol under Bagon Films ni Dhel Tan. Mapapanood sa SM Theaters ang Espesyal Kopol at after ng Philippine showing ay ipalalabas naman sa Canada na tagaroon ang partner ni Madam Dhel. Magkakaroon din ng shows sina K at Pooh doon kaya super segue sila roon.

Ang sabi ng PRO ng pelikulang ito na si Danny Batuigas, talagang

lulundag ka raw sa katatawa kapag pinanood ang Espesyal Kopol. Ito ay sa direksiyon niBuboy Tan na nakilala noon sa mga sexy movie.

Samantala, nakatsikahan ko si K before the presscon na ginanap sa Max’s Roces at ang sabi niya loveless siya ngayon, ni ka-text mate wala siya.

Yes, totoo ‘yun. Ni ka-text mate ay wala siya.

Kaya tutok ngayon si K sa kanyang career at sa pagpapa-aral ng kanyang anak na ang sabi ni K ay future beauty queen daw ito. Mahilig kasing manood ng pageant ang anak at may K na sumali dahil 5’8″ pala ang taas nito. Very talented din daw, magaling sumayaw. Tuwang-tuwa raw si K nang manalong Star of the Night ang anak sa Prom at Best dancer pa.

Si Pooh naman, sinabi niyang naiiba ang pagpapatawa. Hindi siya masyadong madada sa stage pero pailalim ang mga joke. Hindi siya maingay pero tagos sa buto ang impact ng kanyang jokes.

May personal inputs sina K at Pooh sa pelikulang ito, minsan ay hinahayaan silang dalawa ni Direk Buboy na mag-adlib basta hindi nawawala sa storyline.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …